Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pipi’t bingi hinalay ng textmate

MAKARAAN ang mahigit isang taon pagtatago ng isang construction worker na humalay at nakabuntis sa textmate niyang pipi’t bingi, naaresto ang suspek nang bumalik sa kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Mark Angelo Siriban, 26, residente ng 54 Z. Ignacia St., Brgy. 162, Sta. Quiteria ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape.

Si Siriban ay inaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 7 base sa warrant of arrest na inilabas ni Judge Edison Quintin ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 121.

Base sa record mula sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police, naganap ang panghahalay noong Pebrero 15, 2015 sa loob ng palikuran ng bahay ng suspek.

Napag-alaman, naging textmate ng suspek ang biktimang si Sheila, 26, ng Ruby Ville, Brgy. 160, Sta. Quiteria hanggang sa nagkita sila sa Sangandaan, Quezon City.

Niyaya ng suspek ang biktima sa kanyang bahay ngunit nang magpaalam sa pamamagitan ng sign language na pupunta sa palikuran ay sinundan siya ng lalaki at ginahasa.

Inilihim ng biktima ang insidente hanggang sa lumaki ang kanyang tiyan kaya napilitang ipagtapat sa mga magulang ang nangyari.

Kinasuhan ng mga magulang ng biktima ang supek ngunit nagtago si Siriban.

Kamakalawa ng hapon, namataan ng ama ng biktima ang suspek sa kanilang bahay kaya agad na ipinaresto sa mga pulis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …