Monday , December 23 2024

BIR delayed na delayed ang aksiyon vs money launderers at tax evaders

KULTURANG ‘reactive.’

Mukhang ‘yan talaga ang lumulupig sa kalayaan at pag-unlad nating mga Pinoy.

Isang eksampol na rito ang kontrobersiyal na pagkakabisto sa namamayagpag na casino money laundering sa ating bansa.

Hindi kukulangin sa 10 taon na nating tinatawag ang atensiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa namamayagpag na money laundering at tax evasion sa ating bansa na dumaraan sa iba’t ibang Casino lalo na ‘yung mga nasa ilalim ng junket operations.

Ang mga junket operations po sa mga Casino ang nagpapapasok ng foreign players ‘kuno.’

Kadalasan, pumapasok sila nang walang cash.

Maglalaro lang sila sa Casino with guarantee, kapag nanalo sila, puwede nilang  ipa-cash ang ‘chips’ or ipasok sa mga banko nila o i-remit sa black market  ang panalo nila.

Kaya hindi nakapagtataka na puwedeng mangyari ang naganap na pagnanakaw sa $81-million mula sa Bangladesh Bank.

Baka nga hindi lang Bangladesh Bank, baka meron pang ibang nabiktima na hindi lang namalayan.

Huwag sanang hayaan ng BIR ang pagsudsod sa mga taong sangkot sa money laundering. Huwag sana silang makontento na komo nagsoli na ng milyon-milyon dolyares ay hindi na nila itutuloy ang imbestigasyon.

Gaya ng junket operator na si Kim Wong. Dapat sudsurin ng BIR ang kanyang mga junket operations  diyan sa Solaire at sa Midas.

Nakapagtataka ang bigla nilang pagkakamal ng salapi na hindi naman feasible ang mga negosyo gaya ng restaurant business, pero parang ang bilis-bilis nilang yumaman.

Alam ba ninyo, na ‘yang mga junket operator kapag nagpasok ng players dito sa bansa, exempted na sa pag-scrutiny ng AMLC, exempted pa sa BIR?!

Daig pa nila ang naka-jackpot! Lalo na kung nanalo pa sila sa Casino.

Mayroon din mga kaso na hindi lang foreigner ang pinaglalaro sa mga Casino, mayroon din silang local players from Binondo na pinagmumukha nilang foreigner para makaligtas nga sa AMLC at BIR.

Kung tutuusin napakadali naman hulihin ng mga ‘yan, alamin lang ng BIR kung ano ang company name at mga tao,  mabibistong mga peke ‘yang mga ‘yan.

Ganoon lang kasimple po, Madam Kim Henares.

‘Yan naman ‘e kung seryoso kayo na habulin ang mga Chinese, Korean at local Chinese junket operators sa Resorts World, Solaire casino, City of Dreams, Midas casino?

Seryoso ba naman kayo Madam Kim?!

Japan Railway Mass Transportation malayong-malayo sa PH Railway System

ISANG kaanak natin ang nakaranas sumakay sa railway mass transportation sa Japan.

Hindi ito sa bullet train. Ordinary train lang.

Pero iba talaga ang naging impresyon niya sa railway system ng Japan.

Malinis, maayos at sistematiko.                

Walang delayed, nasa oras ang biyahe.

Ang mga mga escalator at elevator ay hindi ‘display’ dahil talagang umaandar at nagagamit ng mga pasahero.

Malayong-malayo sa railway system sa bansa na kulelat na kulelat kung ikokompara sa Japan.

Kunsabagay, Japan ‘yan, hindi India. Pero kulelat ba ang pagdating ng teknolohiya sa ating bansa para maging kulelat ang railway system natin?!

Hindi naman ‘di ba?

Bakit kaya hindi maisipan ni DOTC Secretary Jun Pabaya ‘este’ Abaya, na mamasyal sa Japan at aralin ang kanilang railway system na puwedeng ilapat dito sa ating bansa?!

Ang laki na nang nagagastos ng gobyernong Filipino sa railway system bakit hindi ayusin ng DoTC  nang sa gayon ay mapakinabangan ng mamamayan?!

Ang masama, hindi na nakapagseserbisyo nang totoo, namemrehuwisyo pa!

Ay sus Abaya!   

Tong ‘este’ toll fee sa MPD PS-1 checkpoint!?

Parang may toll gate daw ang isang PCP ng Manila Police District sa lahat ng uri ng sasakyan dahil kailangan umanong magbayad ng toll fee upang ‘di na sila maabala.

Tuwing sasapit ang ala-1:00 ng hapon hanggang  gabi ay nakalatag na ang COMELEC checkpoint sa kahabaan ng Rodriguez outpost – Raxabago Police Station 1.

Reklamo ng ilang motorista kada dumaraan ang  sasakyan nila ay kailangan magbayad sila ng Toll Fee sa mga pulis na nagpapatupad ng COMELEC checkpoint.

Pero sa mga nakasuot ng orange t-shirt na may tatak na Sulong Maynila, absuwelto sila sa checkpoint kahit may violation pa sila.

Kapag identified sa kalaban ng alkalde ng Maynila ay kakasuhan sa piskalya o maglalagay ng malaking halaga para makalaya.

Anak ng tungaw!!!

Katwiran naman ng mga pulis na nakatalaga sa outpost, sumusunod lang daw sila sa order ng MPD-ODD at CDDS?

Wattapak?!

SOP na nga raw sa mga truck at tricycle driver at riders ng motorsiklo na nakahanda na ang pambayad ng ‘tong’ ‘este’ toll fee para malaya silang makadaan sa Honorio Lopez Blvd., Balut, Tondo, Maynila.

MPD PS-1 commander, pakilinaw lang ang reklamong ito sa iyong teritoryo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *