NAKAKALOKA ang wedding ni Solenn Heussaff sa boyfriend niyang si Nicco Bolzico.
Parang sa isang castle sa France kasi sila ikakasal. Ito ang dating ng photos na ipinost ni Solenn sa kanyang Instagram account na isang castle located at the Combourg sa Brittany, France.
“Were here! Yup getting hitched in the middle of nowhere #sosbolz #Bretagne #Combourg,” say niya sa caption.
So, sa castle magpapakasal si Solenn?
Before that photo ay isang pre-nup photos nila ni Nicco ang ipinost ni Solenn with this caption, ”After months of waiting, sharing with you my Prenup pics! Thank you to @brideandbreakfast and @lizzzuy for making us do this as we werent planning on having one! Love all the photos ! They will be sharing more in the days to come :)”
Bongga ang dyowa ni Solenn, hunk na hunk sa isang shot na nakapantalon lang siya at walang shirt.
UNCUT – Alex Brosas