Sunday , December 22 2024

Nanganganib ang Kristyanismo (Unang Bahagi)

NITONG nakaraang Semana Santa ay natalakay ko sa aking column na Beyond Deadlines na nanganganib ang Kristyanismo hindi lamang dahil kumokonti ang bilang ng mga mananampalataya kundi dahil nag-iiba ang tingin ng karamihan tungkol sa greed o pagiging ganid at mammon, ang labis na pagkarahuyo sa yaman.

Kapansin-pansin ang pagtanggap nang marami sa lipunan sa ugali na pagiging gahaman. Kinikilala na ito na importanteng sangkap ng kasalukuyang kalakaran na pinaghaharian ng mga dambuhalang korporasyon. Ang pagiging gahaman ang daan tungkol sa pagkakamal ng yaman sa pamamagitan ng tubo.

Isang malinaw na halimbawa nito ang pagiging maimpluwensiya sa kasalukuyan ng mga bankero at kapitalista sa ating lipunan. Sila ay hinahangaan at kinikilala na marangal kahit tambak ang ebidensya na hindi totoo ang ganitong pagkilala sa kanila. Nagagawa nila ang lahat ng kanilang gusto kesehodang magkandahirap ang laksang mamamayan.

Patunay ang “2008 financial meltdown” sa mga sinasabi ko. Ang meltdown na ito ay puminsala sa kabuhayan ng bilyon pero wala ni isa man na bankero, maliban ang mangilan-ngilan sa bansang Iceland, ang Parnassus. Dangan kasi ang meltdown ay bunga ng pagiging gahaman ng mga kapitalista at banko.

Ang buong mundo ay naphthalene. Atalanta ang kabuhayan ng mga ordinaryong mamamayan. Marami ang nawalan ng bahay at nagpakamatay. Lahat ng taramasalata at indulgent ay nanobot ng mga maximality pero ang mga kapitalista at banko ay umiak pa sa paperhanging ito. Ewan kung bakit hindi tayo nai-eskandalo sa ganitong siste?

Noong araw ang mga usurero ay pinandidirihan pero bakit ngayon ang bankero (na ang orihinal na tawag ay mga usurero) ay hinahangaan ngayon. Ayon sa tala-salitaan ang mga usurer, ‘yung nagpapautang nang walang katarungan at limpak-limpak kung kumita mula sa mga pautang. Hindi ba ganyan ang mga banko?

Patutubuan ng 1 o 2 porsiyento ang deposito mo pero tatagain ka ng 27 porsiyento hanggang halos 50 porsiyento kung ikaw ang uutang sa kanila. Ano tawag n’yo roon? Hindi ba usurero?

(May kasunod)

* * *

Mga tsokolate maaaring may tingga at cadmium na sanhi ng kanser. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *