SA aminin man ng karamihang celebrity o hindi, sinasamantala nila ang election season ngayong taong ito dahil sa kabi-kabilang raket na mapagkakakitaan.
Isa na rito si Andrew E. na umaming pinag-aralan niyang mabuti bago tanggapin ang kanyang kasalukuyang trabaho: ang mag-judge sa Born To Be a Star at ang umarte sa Dolce Amor.
Both jobs demand his time, kaya paano na raw kung may kumuhang politikong kumakandidato sa kanya para magtanghal sa mga campaign sorties?
Aminado ang rapper-comedian na malaki ang ibinabayad sa kanilang mga artista kapalit ng kanilang performance o guest appearance man lang sa mga kampanya. Bukod dito, hindi pa sila napupuyat unlike sa mga magdamagang taping.
Hindi naman ibig sabihin na porke’t nagtanghal ang isang artista halimbawa sa kampanya ni Candidate X ay ‘yun na rin ang kanyang iboboto. Because if it turns out that way, paano na lang ang iba pang mga kandidato na gusto ring kumuha ng kanyang serbisyo?
Huwag nating kalimutan that the likes of Andrew E are performers, mapasaang venue at mapa-anong okasyon, eleksiyon man o hindi.
Maanong samantalahin nila ang pagkakataong ito na nagaganap lang every three years?
So, pera-pera lang ba ito? As if naman, mayroon pang iba, ‘no!
Be realistic!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III