Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grace Poe at Bongbong Marcos, manok ni Nora Aunor sa eleksiyon

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG ng Superstar na si Nora Aunor na sina Senators Grace Poe at Bongbong Marcos ang kanyang susuportahang kandidato bilang President at Vice President respectively, sa gaganaping eleksiyon sa darating na Mayo 2016.

Ayong sa award winning actress, naniniwala raw siya na si Senator Grace ay magiging mabuting lider.

“Sobra ang paniniwala ko sa kanya na magiging mabuti siyang lider ng ating bayan. Noon pa, malaki na ang paniniwala ko sa kanya talaga.

“Siya lang talaga ang makatutulong sa taong bayan, sa problema natin na napakatagal na panahon.Uhaw na rin tayo sa magiging lider na tama ang pamamalakad, e. Sa palagay ko, tamang-tama si Senator Grace Poe,” saad ni Ms Nora sa ginanap na presscon para sa kanyang forthcoming movie na Whistleblower na showing na sa April 6.

Sa pagka-Bise Presidente naman, ipinaliwanag ng Superstar kung bakit si Senator Bongbong ang kanyang napili.

“Nakilala ko rin naman kasi ang pamilyang Marcos noong araw at naging malapit din ako kay Imee Marcos. Kaya kahit paano nakilala ko na rin sila, mabait silang tao. Kaya minsan, noong araw na napag-initan ako ng mga tao – hindi pa rin ako tatalikod doon kasi naging mabait naman sa akin si President Marcos noong araw.

“Noong may problema ako sa BIR, na sinisingil ako ng two and a half million pesos, tapos wala akong magawa. Kinausap ko siya at sinabi niya sa akin na pumunta ka sa ganito, ‘Sabihin mo na nakausap mo ako, aayusin nila ‘yung problema mo kung ano iyon.’ Naayos naman po sa loob ng isang linggo.”

Si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang producer ng classic movie na Himala noong 1982 na pinagbidahan ni Nora. Siya rin ang nagpatayo ng rebulto nina Nora  at ng namayapang Da King na si Fernando Poe Jr. sa Ilocos Norte dahil doon ginawa ng Himala at angPanday movies ni FPJ.

Pahapyaw din sinabi ni Guy kung bakit ayaw niya sa kandidatong Bise Presidente na taga-Bicol na katulad niya. “Bicolano na po ako, e, kaya kilala ko na po sa sarili ko.”

Nabanggit din ni Ms. Nora na sa gagawing reunion ng Noranians, iimbitahan nila si Senator Poe para raw makilala siya ng Noranians. Naniniwala rin daw si Guy na malaki ang maitutulong ni Sen. Grace sa showbiz industry.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …