Monday , December 23 2024

Dalawang bold movies susunggaban ni Nora Aunor

AFTER ng kanyang breast exposure sa pelikulang “Banaue” noong 1975 katambal ang ex-husband na si Christoper de Leon, muling sasabak si Nora Aunor sa pagpapa-sexy sa dalawang pelikulang bold na gagawin this year na parehong ididirek ng award-winning na si Adolfo Alix Jr.

Mauuna raw gawin ni Ate Guy ang “Nympho” gaganap siyang nymphomaniac at makakasama niya rito ang mga bagets actor na sina Mark Herras, Jeric Gonzales at Kristoffer Martin.

Sa Amsterdam naman iso-shoot ang another sexy movie ng Superstar na “Eskaparate” na hindi pa sinasabi kung sino-sino ang makakasama niya sa nasabing film.

Samantala may pinagdaraanan pala ngayon si Ate Guy at humihingi ng dasal para sa na-stroke na kapatid na si Eddie Boy Villamayor na nakaratay sa FEU Hospital. Mahigit isang milyon na raw ang bill ng kapatid sa confinement nito, mabuti na lang at may mga project ang multi-awarded actress.

Let’s pray for Eddie Boy’s fast recovery gyud!

ATTY. ROMULO MACALINTAL, ILALABAN ANG KLIYENTENG NEGOSIYANTE NA NAGSAMPA NG KASO SA METROBANK

NAGSAMPA ng kaso ang Presidente ng Glovax Biotech Corporation (Glovax) na si Mr. Giovanni Alingog kasama ang dalawang batikang abogado na sina Atty. Romulo Macalintal at  Atty. Antonio Carlos Bautista  laban kina Mr. Fabian S. Dee (Presidente) at Ramir M. Leung (Bise Presidente ng Metropolitan Bank and Trust Co., o Metrobank) dahil sa maling pagbalita ng credit lines ng Glovax na umano’y ‘past due’ na noong Abril 2014.

Nakasaad sa complain-affidavit ni Mr. Alingog na… while Glovax’ existing loan with Metrobank has always remained current and updated, but, Metrobank, for unknown reasons, falsely reported in April 2014 that Govax’s loan is ‘past due’ and which report in banking practice is generally relayed or made available to other banks through a central data base.

Ayon kay Atty. Macalintal, “Ang reklamong ito ay ‘di lamang sa kapakanan ni Mr. Alingog kundi para sa publiko, sa mga maaaring mabiktima ng kapabayaan  ng isang banko. Sinasabi kasi ni Mr. Alingog na nasira ang  reputasyon ng kanilang korporasyon dahil sa maling report na nagawa ng Metrobank kaugnay sa kanilang credit lines at kami ay umaasa na sana ang bagay na ito ay magkaroon ng proper correction at kung ‘di ito maaayos ng Metrobank, si Mr. Alingog ay puwedeng magsampa ng administrative case sa Bangko Sentral ng Pilipinas bukod sa criminal case. Sa ilalim kasi ng Banking Laws, kapag ang isang opisyal ng ano mang banko ay nakagawa ng aksiyon na nakasira sa dangal, magandang pangalan at reputasyon ng isang depositor o korporasyon, maaari silang maihabla kaya nagsampa  kami ngayon ng demanda. Sinulatan na rin namin ang Metrobank ukol sa bagay na ito. Ang malungkot lang, si Mr. Alingog pa ang pinagbantaan na siya ay ihahabla dahil gumagawa raw siya ng istorya laban sa kanila (Metrobank). Sila raw ang masisira ang reputasyon, so, para lamang patunayan sa kanila na ‘di namin sila tinatakot o ano man, nagsampa na talaga kami ng kaso. Sa ngayon, isu-subpoena na sila ng Office of the Presiding Prosecutor ng Makati City. Kaya rito natin isinampa ang kaso, dahil dito ang main office ng Metrobank at sana magkaroon ng hearing, ng proper resolution. Maging aral din ito ‘di lang sa Metrobank kundi sa iba pang banko na umamin naman sa kanilang pagkakamali kung talagang nagkamali sa mga credit lines ng kanilang depositor.Nagpapasalamat naman si Mr. Alingog dahil pinaniwalaan siya nina Atty. Macalintal at Atty. Bautista.

“Ang masasabi ko lang, in good hands ako kina Atty. Macalintal at Atty. Bautista. Naniniwala ako sa sinasabi nila na dapat lang na ‘wag kaming matakot sa banta ng Metrobank kasi may mga threat kami ngayon na kakasuhan nila kami. So, tama ba naman na ikaw na nagkokompleyn e iti-threaten nila instead na ayusin na lang ang nagawa nilang maling reports. Naniniwala ako na may pagkakamali at nalabag talaga ang Metrobank sa General Banking Act. Nagsampa ako para na rin maging aware ang publiko sa  kanilang karapatan laban sa malalaking negosyo tulad ng banko. Kung tutuusin,  sa aming borrowers, depositor sila kumikita tapos kami pa ang tine-threaten. Gusto ko lang iparating na dapat ayusin ng banko ang kanilang proseso lalo na sa pagre-report nang negatibo.”

Dagdag niya, “Sumulat na kami sa Metrobank pero ang reply nila e kakasuhan din daw nila kami, so, para bang dahil mahirap kami, mas maliit kami na negosyante, e aapi-apihin na lang. Dapat malaman ng publiko na bakit ganoon ang aksiyon ng banko, dapat nga mas maging prudent sila sa kanilang pananalita, ‘wag nila kaming takutin,” giit ni Mr. Alingog.

Inamin ni Mr. Alingog na bumagsak ang kanyang negosyo dahil sa nangyari. Nasira umano ang kanilang credit lines pati na sa ibang banko na puwersahan silang pinagbayad ng penalties at outstanding balance. Nagsara umano ang kanilang 5 branches at apektado rito ang 42 empleyado na nawalan bigla ng trabaho.

BAGONG KASAMBAHAY NI LOLA NIDORA SA MANSIYON, MALALAMAN NA NGAYONG SABADO SA NOONTIME KALYESERYE

Dahil nakabalik na sa mansiyon, at goodbye na sa pagiging yaya si Yaya Dub (Maine Mendoza) dahil aatupagin na ang pag-aaral.

Naghahanap ngayon ng bagong kasambahay si Lola Nidora (Wally Bayola) at kabilang sa mga nag-audition o nag-apply na housemaid ay sina EB Babes Hopia alyas Yaya Glo at Yaya Pak na walang iba kundi ang gay comedian na si Boobay.

Walang itulak kabigin sa dalawa dahil bukod sa ibinibidang kasipagan ay pareho pa silang mga talented.

Si Boobay bukod sa magaling raw maglinis ng swimming pool ay kayang-kaya pa raw ilipat ang pool ni Nidora sa 3rd floor. Buwis-buhay naman ang kayang gawin ni Hopia. Isa kaya sa kanila ang mapili?

Abangan ‘yan bukas sa 3rd Annual EB Dabarkads Award na bahagi ng nalalapit na kaarawan ni Bossing Vic Sotto ngayong Abril.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *