Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine, nairita sa pagkukompara kina Sabina at Yohan

SPARE Sabina! Ito ang tila pakiusap ni Claudine Barretto sa ilang netizens na pilit ikinukompara ang kanyang adopted daughter na si Sabina sa adopted ding anak ni Judy Ann Santos na si Yohan.

On her Instagram account, isang palabang Claudine ang rumesbak sa mga basher making such an unfair comparison na may kinalaman sa mga hitsura ng bagets. Anila, malayo raw ang anyo ni Sabina sa adoptive mother nito (Claudine).

For sure, kung si Juday ang tatanungin ay hindi rin niya magugustuhan ang “trip” na ito ng mga taong walang magawa sa buhay na pati mga walang kamuwang-muwang na bata ay kanilang pinagdidiskitahan.

Lest these bashers forget, maaari silang maharap sa karampatang kaso dahil ito’y maliwanag na pang-aabuso sa mga bata at menor de edad.

Buti na lang, hindi ito hinayaan ni Claudine na makaapekto sa maraming taon nang pagkakaibigan nila ni Juday.

Samantala, sa mga huling episode ng Bakit Manipis ang Ulap?—ang comeback ni Claudine sa TV—ay obvious na malaki ang nabawas sa timbang ng aktres.

More ready than ever, hindi imposibleng magtuloy-tuloy na ang TV career ni Claudine.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …