Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allen Dizon, proud sa acting award ng anak na si Felixia

00 Alam mo na NonieTILA sumusunod sa yapak ni Allen Dizon ang anak na si Felixia Dizon. Itinanghal kasing Best Child Actress si Felixia sa 18th Gawad Pasado Awards na gaganapin ang awards ceremony sa April 16, sa University of the East Auditorium.

Si Felixia ang napili ng jury dahil sa makatotohanan at epektibo niyang pagganap sa pelikulang Child Haus ng BG Productions International na mula sa pamamahala ng magaling na direktor na si Louie Ignacio. Gumanap dito ang 10 year old na si Felixia bilang pinakabatang cancer patient na inaaruga ng Child Haus ni Mother Ricky Reyes.

Ang pelikulang Child Haus ay kinilala rin kamakailan sa 14th Dhaka International Film Festival sa Bangladesh bilang Best Picture sa Children’s Category.

Ikalawang pelikula pa lamang ni Felixia ang Child Haus. Una siyang ipinakilala sa highly acclaimed movie na Magkakabaung ni DirekJason Paul Laxamana na humakot ng kaliwa’t kanang acting awards si Allen, both sa ‘Pinas at sa abroad.

Nagpamalas din si Felixia ng magaling na performance sa isa pa niyang pelikula, ang Laut mula pa rin kay Direk Louie nang naging opening film ito sa katatapos na Singkuwento Film Festival ng National Commission for the Culture and the Arts (NCCA). Gumanap siya  rito bilang batang Badjao na namamalimos sa kalye.

Ayon kay Felixia, pumayag lang ang kanyang parents na mag-artista siya dahil bakasyon noon. Pero nangako siyang hindi pababayaan ang pag-aaral.

“Masaya ako sa achievement na ito ng anak ko. Supportive naman ako sa kanya, basta studies muna ang priority niya dapat.

“Bilang tip ko naman sa kanya sa pag-arte, sinasabi ko lang na dapat natural lang at hindi over acting ang gawin niya lagi,” saad ni Allen.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …