Friday , November 15 2024

Mag-utol binoga ng kaanak (Dahil kay Luningning)

KAPWA sugatan ang magkapatid makaraan barilin ng kanilang kaanak na nakatalo ng isa sa kanila dahil sa girlfriend ng suspek na si Luningning sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. 

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril si Mark Gregory Vibar, 30, habang nilapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center ang kuya niyang si Dennis, 40, kapwa residente sa Rizal Avenue Ext., Interior 12, Brgy. 120 ng nasabing lungsod.

Patuloy ang folllow-up operation ng mga tauhan ng Caloocan City Police upang maaresto ang suspek na kinilalang si Verrando Lopez, 40, kaanak ng mga biktima, ng Woodlink Subd., Malagasong, Imus, Cavite.

Base sa imbestigasyon ni PO1 Aldin Matthew Matining, dakong 9:20 p.m. nang maganap ang insidente sa Rizal Avenue Ext., Interior 12, Brgy. 120.

Ayon sa ulat, bigla na lamang dumating ang suspek sa naturang lugar saka nakipagtalo kay Mark tungkol sa kanyang girlfriend na kinilala sa alyas na Luninging.

Sa kainitan ng pagtatalo, nagtungo ang suspek sa kanyang sasakyan at kinuha ang kalibre .45 baril kaya’t sinubukan siyang awatin ni Dennis.

Ngunit imbes magpaawat, pinagbabaril ng suspek ang mga biktima.

Saka mabilis na tumakas ang suspek lulan ng kanyang sasakyan habang isinugod ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan.

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *