Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hero para sa akin ang anak ko — Nora

00 SHOWBIZ ms mNAKANGITI at buong pagmamalaking sinabi ni Nora Aunor na very proud siya sa ginawang pagtulong ng kanyang anak na si Ian de Leon  sa isang batang naaksidente noong March 27.

Naihayag ni Nora ang saloobin sa presscon ng pinakabago niyang pelikula, angWhistleblower na handog ng Unitel Productions Inc., at Quento Media na idinirehe ni Adolf Alix at mapapanood na sa Abril 6.

Ani Ate Guy, ”Napakagandang gesture na ginawa niya na tumulong sa isang bata na naaksidente. At kung kahit na sino sigurong tao na makakakita, eh, gagawin ‘yun. Pero sabi nga po, nakatingin lang ‘yung iba, ‘di ba? Walang ibang tumulong.

“Kaya para sa akin, talagang hero sa akin ‘yung anak ko.”

Naibalita ang ginawang pag-rescue ni Ian sa isang bata matapos mag-post sa Facebook ng pasasalamat ang ina ng batang naaksidente na si Kristine Madrigal Sarmiento.

Samantala, ang Whistleblower ay nagtatampok din kina Cherry Pie Picache at Angelica Panganiban na isang socio-political thriller na napapanahon dahil sa mga kasalukuyang nangyayari o nagaganap sa ating bansa ngayon ukol sa graft and corruption.

Pet project ng Unitel’s big boss na si Mr. Tony Gloria ang  Whistleblower na nagkuwentong limang taon na niyang naiisip na gawin ang proyektong ito. Kaya naman hindi nakapagtatakang Rated A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula.

Ayon nga kay Direk Alix, ”Nilalayon ng pelikulang ito na isalamin ang nangyayari sa ating bansa at pamahalaan sa kasalukuyang panahon. And this movie will show both sides of the story. Kasi, ‘di ba, ‘pag kinilala mo ang iang tao, may isang katotohanan na makikita at makikita ka?That will be make this movie different.”

Sa ginawang special screening after ng presscon noong Martes, marami ang humanga sa ganda ng istorya gayundin sa magaling na sagupaan ng mga artista na bukod kina Nora, Cherry Pie, at Angelica ay kasama rin sina Laurice Guillen, Bernardo Bernardo, Anita Linda, Carlo Aquino, Ina Feleo,m Rosanna Roces, Sharmaine Arnaiz, Ricky Davao, Liza Lorena, Vangie Labalan, Lloyd Samartino, Yul Servo, Yan Yuzon at marami pang iba.

Sa kabilang banda, buong pagmamalaki ring sinabi at inendoso ni Ate Guy siGrace Poe bilang kanyang pangulo sa darating na 2016 election. Si BongBong Marcos naman ang kanyang vice president.

Nang tanungin kung bakit hindi taga-Bicol ang kanyang bise-presidente, sinabi nitong, ”Bicolana ho ako kaya kilala ko ang sarili ko eh.”

‘Yun na!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …