Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Top 5 crystals para sa office

MAINAM na maglagay sa opisina ng natural mineral specimen na may awesome energy upang makatulong sa pagpapataas ng energy levels habang nagtatrabaho.

Narito ang 5 stones na mainam sa inyong office space:

Ang pyrite ay no. 1 crystal para sa ano mang opisina dahil ito ay nagdudulot ng crisp, fresh, happy and disciplined energy. Ito ay puno ng optimism at stamina, at nakatutulong sa pagpapalinaw ng naguguluhang isipan.

Ang hematite ay may very cooling energy na maaaring maging proteksyon. Dahil ang workspaces ay puno ng stressful energy na dulot ng high EMF levels, indoor pollution, gayondin ng iba’t ibang potentially negative human emotions, ang isang piraso ng hematite ay maaaring magamit para ikaw ay mapakalma at mapayapa.

Ang stunning fossil ay nakatutulong sa pagpapadaloy ng stagnant, stuck energy. Ito ay maganda sa alin mang lugar kaya hindi mahahalata na gumagamit ka ng feng shui para makabuo ng better energy sa iyong opisina.

Ang black onyx ay nagbibigay ng supportive, strong and stable energy na mapakikinabangan ng sino man. Ito ay makatutulong sa iyo para magpursige at mapananatili nito ang pagiging malinaw at kalmado ng iyong isip. Makatutulong din ang solid stone na ito na manatili kang naka-focus sa tunay na mga prayoridad.

Ang warm and joyful carnelian ay ginagamit dahil sa energy activating qualities nito, gayondin sa grounding and protective qualities.  Ito ay nagdudulot ng warmth and friendly energy sa ano mang space, pupunuin ito ng humble joy and happiness. Pinanatili rin nitong malinaw ang mga prayoridad.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …