Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn lagi pa ring magkasama

00 SHOWBIZ ms mBAGAMAT katatapos lang kanilang top-rating primetime series na Pangako Sa ‘Yo sa Kapamilya  Network, parang hindi naman masyadong namimiss ng ‘di mabilang na fans ang Teen King na si Daniel Padilla at ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo.

Paano naman, ‘di nga napapanood ng fans ang dalawang sikat na teen stars sa telebisyon, nakikita naman nila ang dalawa ng live at in person dahil aktibo ang dalawa sa pag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa sa kanilang solid na suporta para sa pambato ng Liberal Party sa pagka-Presidente na si Mar Roxas.

Ito ang isa sa mga pinagkakaabalahan nina Daniel at Kathryn bukod sa pelikulang gagawin nila sa ilalim ng Star Cinema. Hindi talaga makukuwestiyon ang kasikatan at kainitan ng dalawang magagaling na batang aktor at aktres dahil talagang nagkakagulo ang mga tao kahit saan sila magpunta. Bibihira nga naman na makasalamuha ng fans sina Daniel at Kathryn ng malapitan lalo na sa mga malalayong probinsiya ng bansa.

Manghang-mangha ang mga kababayan natin sa kaguwapuhan ni Daniel at kagandahan ni Kathryn at halos lahat ay kinikilig sa sweetness  ng dalawa.

Ngayon pa lamang ay lalong nae-excite ang fans sa mga upcoming project nina Daniel at Kathryn. Hindi pa malinaw kung ano ang genre ng kanilang next project pero ang tiyak, kahit ano pa ito, ay tiyak na papatok sa masa dahil iba talaga ang hatak ng KathNiel love team na talaga namang napamahal sa milyon-milyong mga Pinoy.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …