Walang kaso kay Richard Quan kung madalas siyang napapasabak sa mga indie films. Parte raw ito ng kanyang trabaho bilang artista. Okay lang din sa kanya kahit medyo maliit ang budget kapag indie films.
Huling napanood si Richard sa TV series na Pangako Sa ‘Yo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pero mas madalas siya ngayon sa indie films. Ano ang mas gusto niya sa dalawa kung papipiliin? “Parehong okay naman sa akin, for as long as I get to play interesting character. It doesn’t really matter if it’s film or TV.
“Sa indie, mas maliit ang budget pero mas interesting ang characters at mas daring ang concepts, kaya exciting din. Both medium have its pros and cons naman, e.”
Sa ngayon ay ginagawa niya ang pelikulang AWOL na pinagbibidahan ni Gerald Anderson. Isa itong action movie under Cinebro ng ABS CBN.
“It’s about a military sniper na ginantihan ng mga kalaban niya at pinatay lahat ng kanyang ka-brod. That’s where the actions start. He became a vigilante, and I’m playing the investigator who wants to know the bottom of it,” pahayag niya.
Ano ang masasabi mo kina Gerald at sa direktor ninyo? “Si Gerald, seryoso siya sa craft niya. I think that’s the reason why he is on the top of his game… at walang ere si Gerald.
“Si Direk Enzo, second time ko na to work with him. Siya rin iyong direktor ng Bonifacio ni Robin Padilla, we might collaborate again on his third film. Cool ka-trabaho si Direk at sabi ko nga, sa US nag-aral kaya may pagka- Hollywood ang thinking. Pero Pinoy sa kilos at salita.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio