TSAKA noon, confidently beautiful na ngayon.
Ang tinutukoy namin ay ang total transformation ni Tasya, ang fantasyadorang chimi-aa na lihim na may pagtangi sa kanyang among si Noel.
Pero sa mga patuloy na sumusubaybay sa Tasya Fantasya tuwing 7:00 p.m. every Saturday, gone are her thick eyebrows, her namumusargang bibig dahil sa malalaki niyang mga ngipin, her pony tail, her maid’s garb at higit sa lahat, ang kanyang syusyunga-syungang karakter.
Having gone through a total makeover, ang tsakang si Tasya noon ay si Shy Carlos na sa kanyang tunay na magandang hitsura. Doing a catwalk with sheer confidence, ang fez na pinapantasya ni Tasya na taglayin niya has become a reality, making her and Noel (Mark Neumann) physically compatible.
Pero hindi ito ang inaasahang beautiful twist sa kuwento ng obra ni Carlo J. Caparas. Fairy tale as it obviously is, ang pinakanagugustuhan ng mga manonood sa Tasya Fantasya ay ang hatid nitong aral sa ating mga buhay.
At least two proverbs or wise sayings sa wikang Ingles ang pumapasok sa aming isip: ”Don’t judge a book by its cover” at “Not all that glitters is gold.”
Kabaligtaran kasi ito ng magandang hitsura ng edukada’t sosyal na girl na head over heels in love kay Noel, pero maldita naman ang pag-uugali.
Since rated PG o Parental Guidance ang Tasya Fantasya, marapat lang na habang nakatutok ang mga bagets sa palabas na ito’y nasa tabi ang kanilang mga magulang to reinforce such values for character formation.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III