Friday , November 15 2024

Paslit patay sa umatras na jeepney

PATAY ang isang batang lalaki nang maatrasan ng pampasaherong jeep habang naglalaro sa kalsada sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. 

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang si Joshua Lungakit Corpuz, 4-anyos, residente sa NPC Road, Brgy. 16, Kaybiga ng nasabing lungsod.

Nakapiit na sa detention cell ng Caloocan City Police at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng jeep na si Leo Gitigan Salar, 38, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ni PO3 John Paul Duran, naganap ang insidente dakong 5:30 p.m. sa Teofilo St., Brgy. 166, Kaybiga.

Ayon sa ulat ng pulisya, umaatras ang pampasaherong jeep ((TXE-317) na minamaneho ni Salar sa naturang lugar nang masagi ang naglalarong biktima.

Dahil sa lakas ng pagkakasagi, tumama ang ulo ng biktima sa semento dahilan ng pagkabagok ng kanyang ulo.

Isinugod ng mga saksi ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay habang ang driver ng jeep ay sumuko sa mga awtoridad. 

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *