Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jona, genuine talent na pinakawalan ng GMA

MAKARAAN ang isang dekada, tinuldukan na ni Jonalyn Viray ang kanyang relasyon sa GMA with her transfer last February to ABS-CBNpartikular na ang Star Music na roon siya pumirma ng recording contract.

Simply Jona na ang bagong branding ng kauna-unahang kampeon ngPinoy Pop Superstar at isa sa mga miyembro ng pop trio na La Diva.

Like any other transferee, pagkakaroon ng growth—or sheer lack of it—sa kanyang propesyon ang ibinigay na dahilan ni Jona sa kanyang paglipat sa kabilang estasyon, short of saying that her career hardly grew kung saan siya nakilala’t nagsimula.

Sa totoo lang, maraming artists ang nakare-relate sa kaso ni Jona, pinagbuksan ng pintuan ng oportunidad sa GMA but only to see their career move slowly, kundi man wala nang pag-usad.

Isang genuine talent na naman ang pinakawalan ng GMA. Kumbaga, sila ang nagtanim, umani, nagbayo hanggang sa nagsaing pero iba ang kumain.

Sa paglukso ni Jona sa kabilang bakod, maengganyo kaya ang ibang artist ng GMA to follow suit lalo’t sa “sobrang init” ay isinilid ang career nila sa “freezer”?

( RONNIE CARRASCO III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …