MAKATUTULONG ang feng shui cures sa paghikayat ng mainam na kalidad ng feng shui energy kung ito ay nakalagay sa tamang lugar.
Narito ang dalawang main criteria ng tamang paglagyan ng feng shui cures:
*Bagua feng shui area. Kailangan magtugma ang enerhiya ng feng shui cure sa feng shui element energy na kailangan sa specific area ng bagua, o feng shui energy map.
Halimbawa, kung naghahanap ng best feng shui placement ng fountain – na water feng shui element energy – dapat itong ilagay sa Bagua areas na mapakikinabangan ang water element, katulad ng North, East at Southeast feng shui bagua areas.
*Best feng shui facing directions. Sa paglalagay ng wastong feng shui cure, dapat na ito nakaharap sa tamang direksyon, o sa lucky feng shui direction.
Sa feng shui, ang bawat tao ay may sariling individual best, o lucky feng shui direction. Ang best feng shui directions ay nadedetermina sa pag-calculate sa inyong Kua number, at maaaring gamitin sa paghikayat ng enerhiya ng better health, tagumpay sa career at masayang lovelife.
ni Lady Choi