Krimen sa Cavite City laganap
Amor Virata
March 29, 2016
Opinion
Grabeehhhh ang sunud-sunod na pamamaslang sa Cavite City na bulag at bingi ang mga awtoridad. Ano na ang ginagawa ngt pulisya at ng Alkaldeng si TOTI PAREDES????,lakas ng loob na muling tumakbo sa pagka-Meyor eh walang nagagawa sa mga sunud-sunod na patayan sa kanyang lugar!
***
Noong Marso 13,2016, may inpormasyon ako na hinarang ng mga Pulis na nagsasagawa ng Checkpoint ang mga mediamen na gustong kumober sa naganap na patayan sa Bagong Purok,Cavite City,mahigpit umano ang bilin ni Meyor na wag papasukin ng Cavite City ang mga mediamen,dahil masisira umano ang imahe ng kanyang administrasyon! totoo ba ito Meyor Paredes?
***
May mukha pa si Meyor na mangampanya gayong sunud-sunod na patayan na puro walang kalutasan ang nangyayari sa Cavite City,MAHIYA KA NAMAN MEYOR!.ano kaya pinapaliwanag ni Meyor sa taumbayan kung bakit sunud-sunod ang patayan sa sakop niyang lugar?ako alam ko mga ‘igan,ito ay dahil hindi malutas-lutas ang paglipana ng mga iligal na droga sa Cavite City, ang siyudad na kung saan ako ako ay ipinaganak.lumaki at naggradweyt ng elementara at sekondarya.Sa siyudad ng Cavite ako nagkaisip,bukod tangi na ang administrasyong Paredes ang nalaman ko na sankaterba ang iligal na droga,aba Meyor, ilang buhay pa ang wawasakin ng iligal na droga sa siyudad mo!
***
Mantakin nyo simula ng buwan ng Nobyembre hanggang Marso,kung mahigit sa labinlimang tao na yata ang pinapaslang, ang motibo ay dahil marahil sa mga estapahan sa iligal na droga,take note ha,nakasakay sa van ang mga suspek, at AK-7 ang ginagamit, hesusmaryosep, walang takot pumatay ang mga suspek! na kamakailan lamang Marso 13 ay isang 15 anyos ang nadamay at namatay s alugar ng pinangyarihan bukod pa sa apat na katao na target ng mga suspek!
***
Bagong upo umano ang Chief of Police na isang Col. Tamayo,baka naman turn-over lamang ng mga intelehensiya ang mangyari mula sa mga drug Lord sa siyudad ng Cavite?Col. Tamayo kapag hindi mo naaayos ang problema diyan, hubarin mo na ang uniporme mo! Meyor Paredes,sana wag ka ng magwagi para di maragdagan pa ang pinapatay!
***
Ano na ang ginagawa ng kapulisan, sumasahod ba rin sa mga drug Lord?Meyor Paredes, nag-abot ba ng campaign fund?dapat sa Cavite City ay mga bagong mamumuno lalo na sa Meyor na may SILBI!
***
Ang aking inpormasyon,may mga kasong estafa sa iligal na droga ang ugat ng lahat…nangangahulugan lamang na rampant nga ang iligal sa lugar ni Meyor Paredes,na tutulog-tulog!
(Kung may mga sumbong at reklamo,i-email lang sa [email protected])