Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay & Mikay, pinagkakaguluhan na rin sa YouTube

SEEING double?! Hindi naman sila kambal. Magkaiba nga ang surnames nila. Pero they decided sa munti nilang mga isip na kilalanin sila as Kikay and Mikay bilang they share so many things in common. Lalo na ang pagkakaroon ng hilig sa paga-artista!

Hindi naman matagal ang hinintay nila para mapansin ng gagabay sa pagpupursige nila sa larangang gustong pasukin. Si Boss Vic del Rosario and daughterVeronique through their handler Mercy ‘D Great Lejarde.

Five years ang ibinigay na kontrata ng mga del Rosario sa dalawang bagets. At hindi maaapektuhan ang kanilang schooling. Nakagawa sila ng plano para sa darating na schedules nila. As Kikay and Mikay, apir sila sa shows where they will sing and dance. Pero kung isa lang ang kailangan sa kanila, ang mga bagets na mismo ang nagsabing walang selosan o inggitan na mamamagitan sa kanila.

Sa crushes lang sila nagkaiba. Ang isa certified OTWOLISTA at si James Reidang idolo. Ang isa naman eh, si Daniel Padilla. And both are looking forward to working with their idols/crush!

Nagiging YouTube sensation na ang magpinsan dahil na rin sa walang sawa nilang pag-a-upload ng kanilang talento in singing and dancing!

Madalas naman daw silang mapagkamalang kambal lalo pa nga at identical ang mga suot nila mula ulo hanggang paa.

Kikay and Mikay muna ang matatandaan natin sa dalawa. As they grow older malamang na magka-apelyido na ang screen names nila.

Kung sino ang uungos sa kanila individually eh mahuhusgahan kapag nag-emote na sila sa roles na ipagkakatiwala sa bawat isa sa TV at sa pelikula!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …