#FARMTOTABLE
Salu ang magiging pangalan ng bagong restaurant na makakainan sa Sct. Torillo in Quezon City simula sa April 24, 2016.
Originally, April 21 dapat ang launching. Pero humingi ang owner na si Harlene Bautista and husband Romnick Sarmenta ng sagot from the Lord sa final stages ng planning nila. And what they got was a message from Mark 4: 1-20. At ang nakasaad doon ay tungkol sa Parable of the Sower.
Aking napag-alaman sa mag-asawa na kasama ko rin sa pag-attend sa isang travel training in Singapore na sinubukan pala nila ang maging mga magsasaka sa Banawe na ang mga biyaya ng lupa, mula sa palay hanggang mga prutas at gulay na ihahain nila sa kanilang mga customer eh, doon lahat magmumula. At isang adbokasiya na rin ang nagsimula dahil tutulungan nila sa pagtatayo ng mga foundation ang mga magsasaka mula sa sari-saring rehiyon na kanilang bibisitahin.
Literally, sa iba’t ibang bukid magmumula ang mga sangkap na siya namang lulutuin ni chef Jhanjie o ang lakwatserong kusinero sa kusina ng Salu!
Ihanda na ang iyong tastebuds sa mga bagong putaheng ating tatangkilikin soon!
HARDTALK – Pilar Mateo