Wednesday , December 11 2024

Bongbong una na sa survey (Upak nina PNoy at Chiz hindi tumalab)

HABANG nalalapit ang eleksiyon, lalong lumalakas ng boses ng mas maraming Filipino kung sino ang iboboto nilang bise presidente sa eleksiyon sa Mayo 9.

Pinatunayan ito sa survey ng Pulse Asia nitong Marso 8-13. Sa panahon na ‘yan ay kasagsagan ang paninira kay Senator Bongbong Marcos pero sa survey nakakuha siya ng 25% percent.

Naungusan nang talaga ni Bongbong si Francis ‘keso’ Escudero.

Kaya, lumalabas na siya ang pangunahing gusto ng  mga Filipino na susunod na bise presidente ng Filipinas.

Hindi na makabawi, dumausdos pa sa 24 porsiyento ang dating 26% ni Escudero.

Si Leni Robredo na ikinakampanya ni PNoy  ay nakakuha ng 20% porsiyento.

Kung hihimayin ang survey, 3% ang naidagdag sa puntos ni Bongbong, samantala si Escudero ay nabawasan ng dalawang porsiyento.

Kung kukuwentahin ang dalawang porsiyentong nabawas kay Escu-dero, malaki ang aktuwal na bilang nito.

Ibig sabihin, malaking bilang ng mga botante ang umayaw na kay Escudero.

Habang nadagdagan naman nang malaking boto si Bongbong.

‘Yan ang masaklap diyan!

Nagtulong at “in unison” pa sina PNoy at Escudero sa pag-upak kay Bongbong pero lumabas na supot ang mga banat nila dahil hindi kinagat ng mamamayang Filipino.  

Sabi nga, ang gawang masama sa kapwa ay hindi nagtatagumpay.

Sumuka man ng multi-milyon ang may maiitim na budhi bigo pa rin ang maitim nilang balak laban kay Bongbong.      

Gumastos nang halos P35 milyon ang administrasyon para sa selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power.

Ginamit ito sa pagtatayo ng expertiential museum hinggil sa mga  naganap noong panahon ng batas militar na ang pangulo ay si Ferdinand Marcos at ang pakikibaka ng mamamayang Filipino na nauwi sa EDSA 1.

Iisa ang puntirya ng P35 milyon — biguin at sirain si Bongbong bilang susunod na bise presidente ng Filipinas.

Katunayan, ginawang kampanya  ni PNoy ang pagdiriwang sa EDSA 1 nitong Pebrero 25 laban kay Bongbong gamit ang mga naganap noong panahon ng batas militar.

Pagkatapos ng pagdiriwang, hindi na tinantanan ni PNoy at ng kanyang administrasyon ang pagbabalik-tanaw sa batas-militar upang kom-binsihin ang taumbayan na huwag ihalal bilang bise presidente si Bongbong.

Sinabayan ni Escudero ang pagkakataon dahil ang paniwala niya, sagabal si Bongbong sa kanyang ambisyong maging bise presidente.

Seryoso si Escudero sa kanyang kagustuhang wasakin ang pagkatao ni Bongbong upang hindi siya maungusan ni Bongbong.

Pero sorry na lang siya dahil nabisto ang maitim na diskarte ni Chiz nang pumutok ang P70-milyong panggiba kay Bongbong.

Kung susumahin ang P70 milyon ni Chiz at ang P35 milyon ng administrasyon ni PNoy ay ginamit upang padapain si Bongbong.

Sa P70 milyon, P50 milyon umano ang napunta sa “re-affirmist” o RA sa Communist Party of the Philippines (CPP) ni Jose Ma. Sison.

Ang P20 milyon naman ay ibinigay umano sa Sanlakas, isang party-list group, na pangunahing pangkat na kalaban ng CPP at ni Sison.

Sa mga balitang ito, lumalabas na talo ang P105 milyong anti-Bongbong budget ng administrasyon ni PNoy at ni Chiz.

At nag-boomerang pa sa kanila ang kanilang maiitim na balakin.

Tsk tsk tsk…ang Karma nga naman!

Ang pagbabalik ni Mayor Fred Lim mainit na sinalubong ng mga Manileño

HINDI init ng panahon ang naramdaman ng kampo ng nagbabalik na si MayorAlfredo Lim nang ilunsad niya ang opening salvo ng kanyang kampanya sa Maynila kahapon.

Dahil ang naramdaman nila ay init ng pagtanggap mula sa mga Manileño.

Napakainit, talagang dinumog, sinalubong at sinamahan sa pag-iikot si Mayor Fred Lim sa unang araw ng kanyang pangangampanya.

Sa Plaza Hernandez pa lamang sa tapat ng simbahan ng Tondo (Sto. Niño church) inabangan na si Mayor Lim ng mga taga-Tondo. Saka na nag-motorcade paikot sa buong Distrito 1, 2, 3 hanggang 4 (Tondo 1 & 2, Binondo & Sta. Cruz area at sa Sampaloc).

Makikita at mararamdaman talaga na marami pa rin ang solido kay Mayor Lim.

Maraming orange dati na ngayon ay naka-dilaw na!

‘Yan ay dahil natikman na nila… natikman na nila ang pambobola ng orange?!

Kaya ngayon hindi na papayagan ng mga Manileño na muli silang mabola.

Ibabalik nila ang dati na nilang natatamasang serbisyo publiko sa mataas na antas nito lalo sa edukasyon at kalusugan.

Ibabalik nila si Mayor Fred Lim, ang original na ama ng programang “from womb to tomb” na mayroong mataas na pagpapahalaga sa sagradong buhay ng isang  tao.

Ang tunay na serbisyo publiko na mararamdaman at mararanasan sa edukasyon at kalusu-gan, sa pabahay at evacuation center, hanggang sa disenteng pagpapalibing ay tinitiyak ni Ma-yor Lim na mararanasan ng mga Manileño.

Inirerespeto rin ni Mayor Lim ang pananampalataya ng mga Katolikong Manileño, kaya kahit noong Marso 25 pa ang opisyal na simula ng kampanya sa local government, hindi agad sila sumabak sa kampanya dahil ito ay Biyernes Santo, isang mahalagang araw sa obserbasyon ng Semana Santa.

Dakong 1:00 p.m. naman nang magkita-kita sila ng kanyang mga kasamahang kandidato sa Army Navy Club sa Roxas Blvd., saka sila tumuloy sa iba’t ibang bahagi ng Distrito 5 & 6.

Sa pag-iikot ng motorcade ni Lim, sinalubong sila ng supporters na nagpahayag ng labis na kagustuhang siya ay bumalik bilang alkalde dahil siya lamang ang tunay na nagpapatupad ng mga libreng serbisyo sa mga ospital ng lungsod.

Pinuri rin ng mga Manileño ang pagtitiyak ni Mayor Lim na isasaayos ang pagbabayad ng amilyar lalo na roon sa mga labis na naapektohan nang itaas ng kasalukuyang administrasyon ang paniningil sa buwis.

Malugod na tinanggap ni Lim ang suporta at inulit na kanyang ibabalik ang mga libreng hospital services sa anim na ospital, na ang lima ay si Lim ang nagpatayo.

Kabilang dito ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc at Sta. Ana Hospital.

Hindi lang ang mga Manileño ang sumusuporta kay Mayor Lim, pangungunahan nina presidential at vice presidential candidates Mar Roxas at Leni Robredo ang LP proclamation rally sa Plaza Miranda, Quiapo dakong 6:30 ng gabi (March 28). Kasama ni Lim ang mga kapwa kandidato hanggang konsehal.

Bukod sa ospital, nagpagawa rin si Lim ng 59 barangay health centers, 12 lying-in clinics o libreng paanakan, dalawang libreng kolehiyo, 85 daycare centers,  97 karagdagang bagong elementary at high school buildings, 130 bagong-gawang kalsada at dalawang evacuation centers na maaring manatili ang mga residente sa oras ng emergency o kalamidad.

Sabi nga, track records ni Mayor Lim ang magsasalita para sa kanyang mabubuting serbisyo sa mga Manileño.

Hindi kailangan ang maraming salita, daldal, boladas, at pangakong napapako, dahil sa gawa makikita ang tunay na serbisyo publiko.             

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *