PAGKATAPOS ng limang taon na hindi gumagawa ng teleserye sa GMA-7, ngayon ay balik-trabaho si Regine Velasquez sa bagong taste ng rom-com na hindi lang kilig ang hatid kundi patatawanin gabi-gabi ang buong pamilya at TV viewers sa kanyang “Poor Señorita.”
Sa recent grand presscon nila, ipinanood sa mga invited na entertainment media ang trailer ng teleserye, walang hindi natawa sa mga eksena ni Regine bilang Rita Villon lalo na sa tagpong tinaningan na n g doctor ang buhay niya dahil sa sakit na cancer.
Lahat ng kayamanang iniwan sa kanya ng Papang si Ricky Davao ay gusto nang i-donate sa charity at ipamana sa gahamang tiyahing si Deborah Villon (Snooky Serna).
Kaaliw rin ‘yung pagbili ni Rita ng signature brand na kabaong na gusto niyang bawiin dahil hindi naman pala siya totoong mamamatay. Magiging Papa niya ang Kapuso hunk actor na si Mikael Daez na nakapaglalaway ang katawan at abs. Dahil sa nangyari sa kanya from mayaman ay bigla siyang (Rita) maghihirap sa istorya. Hindi ba’t nahirapan ang Asia’s Songbird sa pagbabago ng kanyang character?
“Hindi naman, kasi nang malaman ko na ganito ang gagawin namin, ipinauna ko na sa GMA-7 na ayaw kong maging too loud ang character ko, gusto ko refined pero animated. Mabuti naman at iyon din pala ang gusto nilang role na gampanan ko. Kaya naman hindi ako nahirapan na mula sa mayaman, naging mahirap ako. I guess, siguro dahil nagsimula rin akong mahirap lang hanggang sa makaluwag-luwag, pero ‘yung pagiging mahirap ko noon, hindi iyon mawawala sa akin.”
Sa tanong sa kanya ng press, kung bakit laging romantic comedy ang feel niyang gawin at hindi drama ay narito ang naging tugon ng singer-actress. “Hindi naman sa ayaw kong magdrama, kakayanin ko naman siguro, pero hindi ako comfortable kasi baka hindi ko naman magampanan nang mahusay. Kahit nga ang asawa (Ogie Alcasid) ko, sabi niya bakit ayaw ko ng drama, mas mahirap daw magpatawa. Pero sabi ko sa kanya, mas comfortable ako talaga sa comedy, okey lang ‘yong paisa-isang eksenang drama. I don’t mind naman if I look ugly sa character ko, basta alam ko ang gusto ng director at ng televiewewers, okey na sa akin iyon,” sey ni Regine.
Lunes hanggang Biyernes ang timeslot ng Poor Señorita pagkatapos ng 24 Oras. Bukod sa kanila ni Mikael kasama rin nila sa cast sina Sheena Halili, Kevin Santos, Valeen Montenegro, Jillian Ward, Miggs Cuaderno at ang Starstruck Season 6’s 1st princess and prince Ayra Mariano bilang Kyla at Elyson De Dios naman bilang Edison Villon and many more.
May special participation rin si Dingdong Dantes na gaganap na Rafael, hotel owner na magiging blind date ni Regine. Ang Poor Señorita ay mula sa mahusay na direksyon ni Dominic Zapata, ang kilalang director sa GMA Telebabad.
Sa mga gustong maaliw, abangan ninyo ito gyud!
BOSSING VIC SOTTO, GAGANAP NA MOISES SA “PANATA” NGAYONG HOLY TUESDAY SA EAT BULAGA’S LENTEN SPECIAL
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sa Eat Bulaga’s Lenten Special sa episode na “Panata” ang newly weds na sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna plus Danica at Oyo Sotto na gaganap ring mga anak ni Bossing sa kuwento kasama ang dalawang bagets sa Bulaga at Princess In The Palace na sina Ryzza Mae Dizon at Baby Baste.
Si Bossing ay si Moises rito na matulungin sa kapwa na kung anong meron siya ay kanyang isine-share samantalang gaganap namang maybahay niya si Pauleen bilang Isabel.
Hindi maintindihan nina Danica at Oyo ang pagtulong na ginagawa ng kanilang ama hanggang dumating ang unos sa buhay ni Moises at naghirap sila at doon na siya simulang sumbatan ni Oyo.
Makatotohanan ang paglalahad ni Direk Jose Javier Reyes ng istorya ng nasabing episode at muling pinatunayan ni Bossing na hindi lang siya magaling magpatawa kundi mahusay rin sa drama.
Pagkatapos ng Panata episode ay susundan ito ng “Walang Kapalit” na kuwento ng pagsasama ng aging gay na si Allan K at Kenneth Earl Medrano sa ilalim ng awarded director na si Jun Lana. Ilalahad rito ang unconditonal na pagmamahal ng bading sa lalaki.
Part rin ng cast sina Ruby Rodriguez at Patricia Tumulak. Humamig na ng more than 300,000 views ang teaser nito.
RYZZA MAE DIZON, PALABAN SA RATINGS NG KATAPAT NA SHOW
Nakamit noon ng “Princess In The Palace,” ni Ryzza Mae Dizon na gumaganap na Princess Cruz sa morning soap ang mataas na rating na umabot sa 22.5%.
Ngayon sa pagpapatuloy ng kanilang serye na mapanonood Lunes hanggang Biyernes bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7 aba’y nakikipagsabayan si Ryzza sa katapat na “Be My Lady” sa Kapamilya network.
Hindi nagpapakabog si Aleng Maliit pagdating sa Mega Manila Ratings ng AGB Neilsen na minsan ay lumamang sila sa BML sa rating na 11 percent pataas.
Well, paganda nang paganda kasi ang istorya ng serye na bukod sa naiintrigang lovelife ni Presidente Leona Jacinto (Eula Valdez) sa isa sa PSG na si Col. Oliver Gonzaga (Christian Vasquez) tutok rin ngayon si Madam Leona sa adopted daughter na si Princess na grounded ngayon at hindi puwedeng gumamit ng cellphone dahil bumagsak sa exam.
Patuloy rin ang pagtutol ni Donya Victorina (Boots Anson Roa) sa panliligaw ni Col. Gonzaga kay Leona dahil ayaw niyang mabigong muli sa pag-ibig ang anak.
Inaabangan rin pala sa show ang loveteam nina Miggy Jimenez at Lianne Valentin bilang Joaquin Jacinto at Karen.
Ang Princess In The Palace ay handog ng Tape Incorporated at APT Entertainment sa direksyon ni Mike Tuviera.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma