Wednesday , December 25 2024

Mikay at Kikay, pasok sa Ang Panday ng TV5

NAKATUTUWANG pakinggan ang kuwento ng magpinsang  Mikay at Kikay.

Over lunch at the Kamay Kainan, nagkaroon ng mini-presscon para sa dalawang bagets as they revealed kung may mga pagkakataon din bang nagkakatampuhan sila over their individual preferences.

“Mayroon din po,”  mahiyaing pag-amin ni Mikay, ”Like ako po, may gusto akong pinanonood sa ABS-CBN, pero si Kikay naman, mas gusto sa GMA.”

Yes, kung may raging network war ay mayroon din pala ang magpinsang ito. Pero ang magandang kinalabasan, kapwa certified Viva artists na sina Mikay at Kikay. At hindi magtatagal ay mapapanood sila sa TV5 via Carlo J. Caparas’ Ang Panday.

Bilang paghahanda kung anuman ang kanilang magiging papel sa nasabing fantaserye as promised by Boss Vic del Rosario himself ay sasailalim muna sa acting workshop sina Mikay at Kikay.

At the same time, Mommy Dianna has to make sure na hindi magiging sagabal sa kanilang pag-aaral ang taping schedule ng Ang Panday.

Will Mikay and Kikay play Alonzo Muhlach’s playmates sa kasalukuyang panahon? Imposible namang magkaroon ng love triangle ang mga bagets, ‘no!

( RONNIE CARRASCO III )

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *