Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael Pangilinan at Denise Laurel, nagkakaigihan?

00 Alam mo na NonieNAGKAROON ng tsika na tila nagkakamabutihan na sina Michael Pangilinan at Denise Laurel. Nagkasama ang dalawa sa reality show sa ABS CBN titled Your Face Sounds Familiar (YFSF) na eventually ay napanalunan ni Denise, samantalang naging first runner-up naman dito si Michael.

Si Denise ay naging surprise guest ni Michael sa katatapos na concert nito sa Music Museum last Friday na pinamagatang Michael Really Sounds Familiar. Nag-duet dito ang dalawa at kinanta nila ang Endless Love at If I Ain’t Got You.

Nagpahayag naman si Michael ng kagalakan sa closeness nila ni Denise. Sinabi niyang parang kapatid na raw niya ang singer/aktres na maraming ibinigay sa kanyang payo nang maging tatay na siya last year.

“Thankful ako kasi family ko sila and parang kapatid ko na si Denise. Kung may problema ako-kasi first baby ko kasi-and siyempre,hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Nagtanong ako sa kanya kasi siya lang ang may baby sa amin sa Your Face…, eh. Kung ‘Paano ba ang ginagawa ng isang magulang?’ Tinuruan niya ako so lahat ng mga maliliit na bagay.”

Inamin din ni Michael na aware siyang iniintriga ang pagiging malapit nila ni Denise “Iyong iba sinasabi, ‘Ay sila’ kasi minsan nakikita kami, lumalabas kami niyan.

“Oo kahit wala na ‘yung Your Face sobrang… basta thankful ako kasi ‘yung Your Face… familyko, talagang hindi nawala. Kapag may time kami, talagang lumalabas kami,”saad pa ng talented na alaga ni Katotong Jobert Sucaldito.

Idinagdag pa ni Michael na hindi niya raw ine-expect na magiging guest nang gabing iyon si Denise, dahil akala niya ay may sakit ito.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …