Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BMAU, kakatayin na dahil sa pasaway na aktor

KUNG totoo ang aming nabalitaan tungkol sa gagawing pagpapaikli ng Bakit Manipis ang Ulap? ng Viva production on TV5, ay nanghihinayang kami.

Umano, isang tauhan doon ang sasadyaing “patayin,” thus cutting short the teledrama na nagsimula pa lang umere noong February 15.

Maraming dahilan ang aming panghihinayang kung ganito ang sasapitin ng nasabing teledrama.

Una, ‘yun ang pintuang muling nagbukas para ipagpatuloy ng bida roon na si Claudine Barretto ang kanyang TV career.  Apat na taon ding natengga ang aktres.

Ikalawa, sa ganda ng kuwento mula sa direksiyon ni Joel Lamangan, idagdag pa ang de-kalibreng cast nito, ang mga manonood who have developed the habit of watching this tuwing Lunes, Martes, at Huwebes ng gabi (bago na ang time slot nito) cannot afford to see it go off air.

Dinig namin, desisyon na rin daw ni direk Joel na huwag nang pahabain ang kuwento para hindi na rin daw siya ma-stress, as it might—God forbid—lead to another stroke!

Ayaw naming isipin na si Claudine ang tinutukoy na cast member as direk Joel’s source of headache.

Ang espekulasyon kasing ito ay batay na rin sa work history ng aktres as revealed by her former co-workers sa huling nilabasang soap sa GMA.

Sana naman ay malayong si Claudine ang dahilan ng maagang pag-pack up ng BMAU.  Let’s face it, isa siya sa mga mahuhusay na aktres sa kanyang henerasyon that even today’s young stars ay malabong pumantay sa kanyang galling sa pagganap.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …