Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, iniwan ang Bench para sa Guitar

00 SHOWBIZ ms mNILINAW ni Jake Cuenca na hindi totoong nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng Bench management sa ginawang paglipat sa bagong ineendoso niyang underwear, ang Guitar.

Si Jake kasi ang bagong Ambassador ng Guitar. Siya bale ang bagong dagdag sa mga rati na nitong endorser na sina Gloc-9, CarlosAgassi, Ann Mateo, at Sachzna Laparan.

May pagkakapareho ang Guitar Underwear at si Jake pero ang pinaka-importante roon ay ang kalidad. At pareho silang magaling

Anyway, sinabi pa ni Jake na naging maayos ang pag-uusap nila ng Bench management at wala siyang sinunog na tulay.

Ani Jake, lumipat siya sa Guitar Underwear dahil nagustuhan niya ang offer ng management.

“This is something na hindi nabigay sa akin ng last endorsement ko which is creative control when it comes to the designs of the underwear, the designs of the shirt, and also creative consultancy with the shoots. This is very new to me, this is something that I can contribute to the brand,” ani Jake.

Katatapos lang ni Jake ng Pasion de Amor at may bago na naman siyang teleseryeng uumpisahan na ayaw pa muna niyang sabihin kung ano iyon.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …