Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boss Vic, natulala kina Kikay at Mikay

00 SHOWBIZ ms mISA kami sa natuwa nang ibalita ni Mommy Diana Jang, ina ni Kikay at tiyahin ni Mikay na pinapirma na sila ng kontrata sa Viva. Sina Kikay at Mikay ay pamangkin ni Donita Rose at lumalabas-labas na rin sa ilang mga programa sa TV.

Si Kikay ay pitong taong gulang at si Mikay naman ay 10 taong gulang pa lamang pero kitang-kita sa dalawa ang hilig sa pag-arte at pag-aartista. Balitang natulala si Boss Vic del Rosario nang magpakita ng talento ang dalawa. Paano naman, gifted ang dalawa dahil kahit paartehin, pakantahin o pasayawin, tiyak na matutuwa ka sa ipakikita nila.

Kasi naman, tatlong taong gulang pa lamang daw si Kikay at lima naman si Mikay eh kinakikitaan na ng hilig sa pagkanta at pag-arte. Kaya hindi na kataka-taka kung na-master na kumbaga ng mga batang ito ang pagkanta at pag-arte.

“Everytime na they watch ‘It’s Showtime’, sinasabi nila na gusto nilang pumunta roon dahil gusto rin daw nilang kumanta at sumayaw,” paglalahad ni Mommy Diane nang minsang makausap namin ito.

Ngayong Viva contract artist sina Kikay at Mikay plano ng Viva na ipasok sila sa TV series na Ang Panday ng TV5 na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

And for sure, umpisa pa lang ito dahil sa rami ng show ng Viva, tiyak na marami pang ibibigay na project sina Boss Vic at Veronique del Rosario.

Congrats mommy Dianne and Kikay and Mikay.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …