Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion, balak gawan ng tribute song si Mamay Belen

00 Alam mo na NonieLABIS ang kalungkutan ng pamilya ni Maribel Aunor sa pagkawala ng mother niyang si Mamay Belen. Ang magkapatid na sina Marion at Ashley Aunor ay labis din ang paghihinagpis dahil sobrang malapit sila sa lolang si Mamay Belen. Para sa dalawa, isang rockstar at mapagmahal na lola si Mamay Belen.

Nang makapanayam namin si Marion sa burol ng kanyang lola na pumanaw noong March 10, sinabi niya na sobra niyang mami-miss ang kanyang lola.

“Mami-miss ko talaga siya nang sobra, ang lambing-lambing kasi niya sa amin, e. Noong last time na nakita ko siya nira-rub ko pa iyong belly niya.  Ang tawag nga niya sa akin ay Mayon, Mayon…

“Ganoon kalambing si lola. At proud siya sa pagpasok ko sa showbiz and lagi niyang sinasabi na galingan ko raw,” paliwanang ni Marion.

Bakit nila binansagang rockstar si Mamay Belen? Sino ang nagbansag?

“Wala, kami lang ni Ashley. Kasi naggigitara pa siya kahit 86 na siya, at electric guitar pa. So, dahil sa electric guitar niya kaya namin siya tinawag na rockstar ni Ashley.

“Natutuwa si lola at gustong-gusto naman niya nang bansagan namin siyang rockstar ni Ashley,” nakangiting saad pa ng talented na singer/composer.

“Kaya kami nahilig sa music ay dahil kay lola. Lagi niyang ikinuwento na sa Bicol Orchestra, siya lang daw ang only girl, lahat ng kasama niya roon ay lalaki. Sa kanilang kapatiran naman, siya yung nagva-violin.Tapos si Lola, nagsusulat din siya ng Christian songs, siguro sa kanya ako nagmana,” dagdag pa niya.

May naikuwento ba si Mamay Belen ukol kay Nora Aunor?

“Opo, na sobrang love niya raw… love na love raw niya si Tita Nora. Na sa kanya nga raw nag-start yun, sa Tawag ng Tanghalan, ikinukuwento niya sa akin… Silang dalawa raw ni Grandpa ang nag-help, kaya nga raw iyong Aunor (ay ginamit).

“Kasi nga raw, dalawang beses daw sumali si Tita Nora (sa Tawag ng Tanghalan). Dalawang beses sumali si Tita Nora na Villamayor pa (ang apelyido). Ang second time ay Aunor na, tapos ay iyon na iyong naging star na talaga siya.

“So, ayun, sinasabi lang ni Grandma na sobrang proud siya kay Tita Nora, at kay Mama, at sa aming dalawa ni Ashley.”

Posible rin daw nilang gawan ng album si Mamay Belen sa mga nilikha nitong Christian songs dahil nai-record ni Marion ang mga ito habang kinakanta ng kanilang lola.

“Natutuwa ako na na-record namin iyong mga kanta ni Grandma. Sabi ni Mama, baka puwede nating i-produce iyong album para sa kapatiran. Limang kanta iyon, e.”

Balak din daw ni Marion na mag-compose ng kanta para sa kanyang mahal na lola.

“Yeah, I think so. Mai-inspire talaga ako na gawan ng kanta si Grandma, gusto ko talaga siyang igawa ng tribute song.”

Samantala, nailibing na si Mamay Belen last Wednesday morning at maraming supporters at kabigan ng mga Aunor ang nagtataka sa hindi pagsipot ni Nora sa libing o sa burol man lang.

Sana ay maipaliwanag ng Superstar ang kanyang side dahil masyadong nega ang dating sa maraming tao sa no-show niya sa huling araw ni Mamay Belen na kanyang mentor/discoverer. Na bukod sa pagigng pangalawang ina ng Superstar, sinasabi ng iba na kung wala si Mamay Belen, marahil daw ay wala ring Superstar na Nora ngayon sa mundo ng showbiz.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicaso

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …