Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, sa telepono hiniwalayan ng American GF; tutungo ng NY para muling suyuin

00 SHOWBIZ ms mINAMIN ni Jake Cuenca na nag-break na sila ng kanyang American girlfriend na si Sara Grace Kelly noong Disyembre 2015. Kaya naman sobrang nami-mis na raw niya ito.

Ang pagiging malayo ang isa sa sinabing dahilan ni Jake kung kaya sila naghiwalay. Kailangan na kasing bumalik ni Sara ng New York para magtrabaho ito roon na isang modelo.

Sa press launch kahapon kay Jake bilang newest Ambassador ng  Guitarunderwear, nasabi nitong nakipaghiwalay sa kanya si Sara sa pamamagitan ng telepono.  Kaya naman nais niyang i-win back ito pagpunta niya ng NY sa Sabado.

“She’s the one to me and kung hindi man kami magkabalikan, she’ll always be here for me, that was the best relationship I ever had,” giit ni Jake.

Umaasa siyang magkakabalikan pa sila ni Sara. ”Like I say it in my dreams, all I can do is hope. All I cand o is hope for the best but walat pang concrete na magkikita kami, walang ganoon. Like I’ve said talaga, we’re still friends pero ‘yun na nga, for now, I have to respect her decision. Hindi ko kayang pilitin ‘yun, she’s only 20 years old and alam mo ‘yun, hindi ko puwedeng ipilit yung ganitong klaseng buhay sa kanya na ang daming responsibilidad ang daming obligasyon.”

Aminado pa si Jake na hanggang ngayon ay hindi pa siya nakaka-move-on at nagpapasalamat na lang siya na last year, feeling niya ay nasa kanya na ang lahat-lahat tulad ng love at career. Hindi rind aw niya nakikita ang sarili na papasok sa isang panibagong relasyon.

Sa kabilang banda, tiniyak ni Jake na wala siyang sex video scandal na posibleng lumabas tulad ng mga sunod-sunod na nangyayari ngayon sa ilang male celebrities.

Ani Jake, confident siya dahil nadala na raw siya nang makita niya sa States ang tatlong artista na mayroong ganoon na talagang pinagpiyestahan. Hindi rin daw niya nahiligan at magpakuha ng sex video.

“At saka ang hirap, eh, ‘pag artista ka, mas nakakatakot lalo,” giit ni Jake na bukod sa pagiging brand Ambassador ng Guitar underwear ay creative consultant din siya nito kaya tinanggap niya ang offer.

“This is something na hindi nabigay sa akin ng last endorsement ko which is creative control when it comes to the designs of the underwear, the designs of the shirt, and also creative consultancy with the shoots. This is very new to me, this is something that I can contribute to the brand,” masayang pahayag ni Jake.

Nilinaw din ni Jake ang usaping may kumakalat na siya ang next target na lalabas na sex video.  ”Papano naman na. . .? Hindi, ako, I’m confident na wala talaga because I’ve never done it, I’ve never even tried it, I’ve never been to a website like that and like I’ve said, it’s not my fettish,” giit pa ng actor na talagang nagpakita ng ganda ng katawan sa launching.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …