Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Career ni Janno, binuhay ng TV5 (Born To Be a Star, nagbagong bihis)

KUNG tatanungin who is Janno Gibbs first, ang sagot:  isang mang-aawit. At hindi lang isang mang-aawit, a very good one at that.

Although he also dabbles in acting, mas kilala si Janno sa kanyang malamyos na tinig. To be honest, kabilang siya sa aming Top 5 male singers ng bansa.

Ang problema nga lang, Janno has earned the reputation sa pagiging late sa kanyang trabaho. At saan pa mang larangan, mahalaga ang pagkakaroon ng sense of time ng isang nagtatrabaho.

For a time ay natengga si Janno sa GMA, blame it on his work attitude. Sa ngayon, napapanood na siya sa TV5. Alongside Ogie Alcasid, si Janno ang isa pang poste ng Sunday show na Happy Truck Happiness.

Nitong Sabado, he stood as one of the judges sa Born To Be a Star na ewan kung pumalit siya kay Andrew E.

Kung tutuusin, ito’y new lease on his career. Magandang pagkakataon ang ipinagkatiwala sa kanya ng Viva (his home studio, after all) para manumbalik ang sigla ng kanyang TV career.

Sana lang ay natuto na si Janno from his mistakes in the past. Pinroblema rin niya kasi noon ang kanyang pagiging overweight na mukhang resulta ng   extended sleeping hours niya kahit oras na ng trabaho.

Two regular shows on weekends, hindi na masama para bumalik ang appetite ni Janno for work.

Born To Be a Star, nagbagong bihis

SPEAKING of Born To Be a Star, tila ang pagkakaroon ng iba na nitong direktor (Monti Parungao used to direct it) ang dahilan kung bakit bukod sa nabagong time slot nito ay marami ang mga kapansin-pansing pagbabago ng reality singing competition na ito.

BTBAS, which airs Saturdays and Sundays, ay napapanood tuwing 8:00 p.m. pagkatapos ng Tasya Fantasya.

Over the weekend, bukod kay Janno who pinchhit for Andrew E ay kasama ring nagsilbing judge si Kuh Ledesma.

At bago ianunsiyo ang winner—na kabilang na sa monthly finals—nagkaroon ng production number ang mga kalahok with Pops Fernandez. Unlike in the previous episodes, maikli ang one last look at the star hopefuls bago ilawan ang kinatatayuan nilang bituin sa entablado.

Karagdagang effort ito hindi lang sa parte ng mga contestant kundi maging sa judge-performer na nakahihiya naman kung mas magaling pa ang sumasali kaysa kanila.

Sa mga nais pang lumahok sa BTBAS, mayroon pang audition schedule na gaganapin sa SM Sta. Rosa, Laguna sa March 19 at 20, at sa SM San Fernando, Pampanga sa March 26 at 27.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …