MULI na namang nag-uwi ng karangalan sa bansa si Allen Dizon nang tanghalin siyang Best Actor sa katatapos na 4th Silk Road Film Festival sa Dublin, Ireland. Bale, back to back na panalo ito ng morenong aktor dahil last year ay siya rin ang nagwaging Best Actor doon para sa Magkakabaung (The Coffin Maker) ni Direk Jason Paul Laxamana.
Sa post ni Allen sa FB, ito ang kanyang ipinahayag: “Thank u so much Silk Road Film Festival for another Best Actor Award… to my Iadya Mo Kami (Deliver Us) team, para po sa atin lahat ‘to. Kay Direk Mel Chionglo, maraming-maraming salamat po sa tiwala. To our scrptwriter Ricky Lee, salamat po. Sir Romeo Lindain Ferdinand Dizon Lapuz, Dennis C. Evangelista, manager ko, thank you. Salamat po kay Mam Baby Go (BG production International) ang aming producer, salamat po.”
Nang naka-chat namin si Allen kahapon (March 15), inusisa ko siya kung ano ang na-feel niya nang muling nanalo sa naturang filmfest.
“Hindi ko po ito inaasahan, kaya taos-puso ang pasasalamat ko po talaga. Sobrang saya ko po, sobrang saya dahil naka-back to back award ako rito.”
Ano ang masasabi mo kay Direk Mel Chionglo bilang direktor mo rito?
“Siyempre po ay proud ako sa movie with Direk Mel, na siya ang direktor ko rito. Ibang atake po ang ipinagawa sa akin ni Direk Mel dito, sobrang sublte at subdued po ang acting ko rito,” wika pa ni Allen.
Sa tingin mo ba ay muli kang hahakot ng awards dito sa Iadya Mo Kami, tulad ng sa Magkakabaung? “Sana po ay mas marami pang awards ang makuha ng Iadya Mo Kami.” Matipid na sagot pa ni Allen.
Ito naman ang post sa FB ng manager niyang si Dennis Evangelista:
“Congrats to Allen Dizon for bagging Best Actor for his performance in Mel Chionglo IADYA Mo KAMI ( Deliver Us) written by Ricky Lee produced by BG Productions International at the recently concluded 4th Silk Road Film Festival in Dublin Ireland. Dizon bested Parviz Parastui (for the movie “Two”), one of the most well known actors in Iranian Cinema and Taiwanese hearthrob, Chen Bolin (for the movie “Distance”).This victory is back to back win, Allen Dizon won last year for the same festival for his film Magkakabaung/The Coffin Maker directed by Jason Paul Laxamana.”
Ayon pa kay Dennis, nakatakda ring gumawa ng international movie si Allen very soon. “Good news, He is slated to do international film to be directed by Irish filmmaker to be collaborated by Filipino and Irish. Congrats Allen Dizon your BG Productions family is so proud of you. Mabuhay!!!”
Matatandaang noong 2014 at 2015 ay humakot din ng kaliwa’t kanang Best Actor si Allen para sa pelikulang Magkakabaung.
Sa Iadya Mo Kami, gumanap dito si Allen bilang isang pari na may naanakang girlfriend. Isa raw ito sa pinaka-challenging na role na kanyang nagampanan. Reunion movie rin ito nina Allen, Direk Mel at Ricky Lee. Bukod kay Allen, tampok dito sina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Ricky Davao, at Diana Zubiri
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio