AMINADO si Aiko Melendez na maganda ang relasyon nila ngayon ng ex-husband niyang si Jomari Yllana. Ayon sa aktres, nakita rin niyang mas nag-mature talaga si Jomari ngayon kumpara noong magkarelasyon pa sila.
“Masaya ako kasi para mapunta kami sa estado ng relasyon namin ni Jomari na ganito, it takes a lot of maturity. Mas gusto ko ang walang hassle, kaya ayaw naming lagyan ng kung anuman, ayaw naming pangunahan ang Diyos. Gusto na lang namin na ang Diyos na lang ang magsabi kung anong para sa amin,” saad ni Aiko.
Sinabi rin ng aktres na marami pa rin daw ang kinikilig na makita silang magkasama ni Jomari. “I think so, kasi nang nag-campaign ako sa kanya, tatakbo kasi siyang councillor sa Paranaque, kinikilig sila. Parang sabi, ‘Ha, kayo na?’ Tapos ini-introduce pa niya ako as asawa ko.” saad ng aktres
Mas nag-mature din daw si Jom ngayon. “Noong mag-asawa pa ami, mayroong things na hindi namin masabi sa isa’t isa. Yung parang naiirita kami pareho. Ngayon, mas open kami. Nasasabi na namin ang gusto naming sabihin. Kaya ayaw naming sirain iyon. Kasi ‘pag nagpunta na naman kami sa estado na mag-asawa kami dati, baka hindi na naman namin magawa ito,” saad pa ni Aiko na napapanood sa Story of Us na tianatmapukan nina Kim Chiu at Xian Lim.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio