PASSION after Pasion. Sa Pradera Verde Summerfest sa Lubao, Pampanga namin nakatsika at naka-inuman sa White Party ng event ang aktor na si Jake Cuenca.
Galing din siya sa Ad Congress sa kalapit na bayan at dahil bestfriend niya ang head honcho ng Forthinkers, Inc. na si Rambo Nuñez, na may pa-event, na kahit hindi siya makalalaro sa games ng summerfest eh, dumalaw pa rin si Jake to relax.
Hindi pa nagpapagupit si Jake dahil ang gusto pa rin ng unit ng susunod niyang teleserye sa ABS-CBN after ng Pasion de Amor ay ganoon ding hitsura sa mga dramang sasalangan niya.
But before he starts taping, nagpaalam muna siya at 25 weeks siyang mawawala para kumuha uli ng workshops in acting sa NYC.
“Nae-enjoy ko mag-aral kasi roon hindi ako celebrity although may classmates ako from Africa na nakakapanood ng shows natin doon kaya alam nila who I am. Doon nakakatapak uli sa lupa ang mga paa ko kasi nga pantay-pantay lahat kahit magkakaiba ang kultura. At marami pa akong natututuhan sa mga kailangan ko pang mahasa with my acting. Para pag-uwi ko baon ko na naman ang mga bago kong natutuhan na nagagamit ko na rin naman.”
His current girlfriend named Sara lives in New York pero hindi na raw sila at nag-friend zone muna sila kaya wala muna raw siyang lovelife.
Though si Sara raw is the girl most likely na makakatuluyan niya.
“For now, we both decided na gawin na lang muna ang mga gusto namin. Maybe we’ll see each other itong punta ko now in NY.”
Ang daming naloka kay Jake sa role niya in Pasion… kaya hindi nakapagtataka na may kasunod na agad ito!
Disneyland ‘di totoong itatayo sa Lubao, Pampanga
#LUBAOWOWWOW!
Good friend ni Kris Aquino si Lubao, Pampanga Mayor Mylyn PinedaCayabyab. Kaya nang makakuwentuhan namin ito sa idinaos na Pradera Verde Summerfest sa lupain nila ng kanyang angkan, naikuwento niyang sina Joshua atBimby ang ilan sa nakauna sa pag-e -enjoy sa kanilang wakepark nang mag-wakeboarding ang mga ito.
Rito nga ginawa ng Forthinkers, Inc. ng anak ni Marilen Nuñez ng Len Plus. Inc. naman na hunahawak noon ng mga GOMA Cup at NIVEA and Omega events dito ang nasabing proyekto na nagsama-sama ang ilang celebrities para makisaya.
Kaya nandoon sina Vin Abrenica at Sophie Albert, Ervic Vijandre, Helga Krapf and Say Alonzo with their hubbies and babies, Paolo Paraiso and girlfriend Lou Sison, DJ Tom Taus, AJ Dee, IT girl Kelsey Merritt at mga blogger.
Pinalalaganap nang husto ni Mayor ang alternative na lugar for wakeboarding na sa karatig na lupa sa 400 hectares na land eh naitayo na ang ilang18-hole golf course at ang isa pang 18-hole curve eh tatapusin within the year. Nilibot namin ;yun. At sinimulan na rin ang paglalagyan ng naglalakihang swimming pools and wave pool.
Impressed kami sa lugar ngayon pa lang at siguradong sa ikatlong pagkakataong ihahatid nila ang Lubao International Balloon Festival sa April 14-17 eh, dadagsain ito ng mga tao.
Wala naman daw katotohanan ‘yung napabalitang Disneyland ang itatayo sa kanilang bayan. Pero kung may kakausap daw sa kanila eh, makikipag-ugnayan naman siya dahil nasa plano naman ng pamilya nila ang paglalagay ng theme park sa kanilang lupain.
More than the wakepark, proud si Mayor Mylyn dahil nakakapag-imbita na sila sa kanilang golf course ng world-renowned champion golfers. At isa pa, ang 11-year old niyang anak na si Annyka Chantal eh isa na ring champion na umiikot na sa iba’t ibang labanan.
This summer, there’s a new playground for the whole family. Right in the heart of Lubao, Pampanga.
It’s not just about GMA or sisig. There’s more than meets the eye! Treasure the moments and the experience! Nagwe-wakeboard ka man o hindi. Like me!
HARDTALK – Pilar Mateo