DALAWANG potentially harmful substances na mahirap maremedyuhan ay ang electromagnetic fields at toxic waste.
Ang dalawang ito ay may negatibong impluwensya sa inyong kalusugan, at ang mga bata ang higit na nanganganib dito. Kaya mahalagang determinahin kung ang mga ito ay isyu sa alin mang posible n’yong lilipatang bagong bahay dahil ang dalawang bagay na ito ang magiging dahilan upang hindi maging mainam tirahan ang lugar na ito, sa perspektiba ng feng shui.
Ang isa pang dapat ikonsidera ay ang nuclear power plant o reprocessing plant. Kung may naganap na ano mang pagtagas, kung gaano kayo kalapit dito, ganoon din katindi ang panganib sa harmful exposure sa nuclear radiation.
*Saliksikin ang local electricity provider at local authorities upang matiyak kung may ano mang high-voltage cables o transformers na malapit sa inyong lilipatang bahay.
*Sukatin ang distansya ng bahay sa electromagnetic fields upang iyong mataya ang posibleng panganib. Ikompara ang data mula sa measurements na inilaan ng authoritative websites. Ang inyong electricity provider ay maaaring magsagawa ng inspeksyon para sa inyo.
ni Lady Choi