Isang lalaki, nagpunta sa shop. May nakita siyang isang brand ng condom – ang Olympic condom.
Hmm, mukhang maganda, masubukan nga, sabi niya. Bili nga siya ng isang pakete.
Pagdating sa bahay, mayabang niyang ipiinakita ang nabili nyang condom sa asawa.
“Olympic condom?” tanong ng asawa. “Bakit naman tinawag na Olympic?”
“Kasi ganito,” sagot ng lalaki, “Ang isang pakete may lamang 3 condom na iba-ibang kulay: Gold, Silver at Bronze.”
“Anong kulay naman ang gagamitin mo mamayang gabi?”nakangiting tanong ng asawa.
“Siyempre naman, Gold!” mayabang na sabi ng lalaki.
“Talaga?” nag-iisip ‘yung asawa. “Bakit di mo isuot ‘yung Silver?”
“Bakit naman Silver?” tanong ng lalaki.
“Kasi, palagi ka namang nauuna. Paminsan-minsan naman, matapos kang pangalawa lang.”