TAMA nga ang sabi ni direk Carlo J. Caparas, marami sa mga eksena sa TV version ng kanyang Ang Panday ang wala sa pelikula.
Ang karakter na lang ni Alonzo Muhlach ay idinagdag na lang. Gumaganap bilang batang simbahan noong panahon ni Flavio, Alonzo is now brought to the modern times pero nakabihis ng luma pa ring kasuotan.
Sa kasalukuyang panahon ay hindi na si Flavio ang karakter ng bidang si Richard Gutierrez kundi isang motorcycle-riding bachelor na inisplitan ng nobya for being late during dates. Sidekick niya si Empoy na comic relief ang hatid sa kanyang trying hard na pag-i-Ingles, habang isang scientist/astronomer naman si Eppy Quizon.
Compared to it’s original version, maraming bagong sangkap ang Ang Panday para mas maka-relate ang mga manonood sa modernong teknolohiya.
Ang Panday airs Monday, Tuesday and Thursday, 7:00 p.m..
Panalangin, kailangan ng industriya
ANUMANG bagay—ayon sa paniniwala—ay tatluhan daw kung dumating.
Kamakailan, tatlong pagkasawi ng mga TV director ang sunod-sunod na gumulantang sa showbiz. In this order, nauna si Uro de la Cruz ng GMA, sumunod si Wenn Deramas (may 30 teleserye siyang naidirehe in between directing movies) at ang huli ay si Francis Xavier Pasion.
Sana’y mag-alay ng kolektibong panalangin ang mga nagtatrabaho sa TV para bukod sa ikatatahimik ng kanilang mga kaluluwa ay matigil na ang “cycle of death,” if we can call it such.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III