BY now ay abot-abot na sermon na siguro ang ipinatikim ng talent center ng ABS-CBN kay Cristine Reyes makaraang siya ang sinisising dahilan kung bakit nagbitiw sa isang soap si Ms. Vivian Velez.
Batay naman kasi sa pahayag ng original Miss Body Beautiful, kawalan ng respeto sa kanyang katrabaho (most specially sa isang beteranong artista) ang ipinakita ni Cristine.
Kung hindi kami nagkakamali, walang ganitong karanasan si VV noong unang kunin ng ABS-CBN ang kanyang serbisyo via Lobo. Walang narinig na kuwento mula kay Vivian tungkol sa kanyang co-star na si Angel Locsin.
Teka, parehong GMA lang naman ang pinanggalingan nina Angel at Cristine, ah? Bakit magkaiba sila ng “cultural orientation”?
Malayong-malayo si Angel kung ikukompara sa starlet na si Cristine. While Angel observes GMRC (Good Manners and Right Conduct), mukhang iba naman ang pakahulugan ni Cristine sa acronym na ito.
Grave Misconduct and Rude Character.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III