TIWALA si Christian Laxamana na malaki ang chance niyang manalo bilang Mr. Gay World nagaganapin sa Malta sa April 19-23. Si Christian ay isang educator, na may degree na Bachelor of Secondary Eduction, Major in Music and the Arts. Naging first runner-up din siyasa “Pogay” ng It’s Showtime.
Sinabi ni Christian na siya ay, “Proud gay at Proud Pinoy.” Abala siya ngayon sa paghahanda para sa pagpunta sa Malta.
Ayon kay Mr.Gay World Philippines National Director Wilbert Tolentino, si Christian ay perfect representative ng bansa at malaki ang pag-asang manalo. Si Wilbert ang first winner ng Mr.Gay World Philippines.
Bakit si Wilbert na ngayon ang organizer ng Mr. Gay World Philippines?”This year po ay ibinigay sa akin ‘yung contract as a national director ng Mr. Gay World kasi hindi na po nag-renew ‘yung previous na organizer. January lang na-award sa akin kaya wala na akong enough time para mag-National pageant. So, in-appoint ko ‘yung 14th Annual Search ko ng Mr. F na nagpi-present ng gay community, kinuha ko si Christian dahil siya ang latest na nanalo.
“I think capable naman siya kasi as an educator, marami siyang maitutulong dito sa gay community lalo na sa LGBT community.”
Ano ang objective niya kaya tinanggap ang pagiging National Director?”Para makapag-contribute ako in my own little way sa gay community na at least nag-e-exist tayo. At saka may participation tayo kasi ang Mr. Gay World ay naghahanap ng speaker sa HIV awareness lalo na sa panahon ngayon na dumarami ‘yung mga HIV victims ngayon,” sambit pa niya.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio