Thursday , December 26 2024

‘Vote Buying’ may resibo na ngayon?!

KUNG tutuusin, nakikita natin ang layunin ng Korte Suprema kung bakit gusto nilang tiyakin ang pagbibigay ng resibo sa mga botante sa ilalim ng Republic Act (RA) 9369.

Pero may nasisilip din tayong problema rito na maaaring gamitin sa vote buying ang pagbibigay ng resibo.                            

Pinaboran na kasi ng Korte Suprema ang petisyon ni senatorial bet Richard Gordon na mag-isyu ng voter verified paper audit trail (VVPAT).

Ang VVPAT ay isang feature ng vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa nalalapit na halalan sa Mayo 9.

Nitong Martes ay nagdesisyon ang Supreme Court (SC) at inutusan ang Commission on Elections (Comelec) na mag-isyu ng resibo para sa mga botante sa May 9, 2016 elections.

Pinagsabihan din ng Korte Suprema ang Comelec na umabuso sa pagtupad ng kanilang tungkulin nang magdesisyon silang huwag i-activate ang VVPAT ng VCMs sa gaganaping halalan.

Ayon sa Korte Suprema maaaring ‘kapusin o sumobra sa hurisdiksiyon’ nang magdesisyon ang Comelec na huwag nang i-activate ang nasabing security feature.

Sa kanyang petition for mandamus, sinabi ni Gordon dapat ipatupad ng Comelec at ng technology provider na Smartmatic ang security features na hinihingi sa ilalim ng Republic Act 9369 (Automated Elections System Law).

Dapat umanong siguruhin ng Comelec ang pag-iisyu ng guidelines para i-regulate ang pagre-release at disposal ng vote receipts para siguruhin ang malinis, matapat at maayos na halalan.

Kabilang sa guidelines ang pagbubuo ng sistema matapos matiyak ng botante na pumasok ang kanyang boto, ang resibo ay ilalagay sa isang hiwalay na ballot box at hindi dapat ilabas sa voting precinct.

Sana nga ay magsilbi para sa maayos, malinis at tapat na eleksiyon ang sistemang ito.

Hindi sana magamit na ‘harassment’ ng mga politikong gumagamit ng goons, guns and gold laban sa constituents.

Hari nawa!

Digong Duterte mabilis na, matulin pang kumambiyo agad-agad!?  (Sa isyu ng corruption)

Nagulat tayo sa birada ngayon ni Davao city mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

Dati ay panay ang puri niya kay Vice President  Jejomar “Jojo” Binay.

Kung madi-disqualified daw siya, susuportahan niya si VP Binay dahil halos magkapareho raw sila ng mga paniniwala at prinsipyo sa buhay.

Marami pa nga ang naniniwala na sa bandang huli ay ibibigay niya kay Binay ang makakalap na boto.

Pero iba na ngayon…

Binabanatan na rin ni Digong si VP Jojo sa mga isyu ng korupsiyon, kickbacks at overpriced na mga proyekto sa Makati.

Parang, uy, biglang sumakay sa anti-Binay campaign si Digong.

Anyareee?!

Dahil ba, ibinasura ng Korte Suprema ang disqualification case laban kay Grace Poe?!

At biglang lumakas na naman ang laban ng anak ni Inday at ni Panday?!

‘Yun ba ang dahilan nang biglang pagbalim-bing ni Digong laban kay Binay?!

Hay naku, ang nagagawa nga naman ng politika…

Showbiz na showbiz ang arrived… no permanent friends and no permanent enemies.

Sipsip pa more! Hak hak hak!     

Isang Mapayapang Paglalakbay Amba…

Kahapon natanggap natin ang balitang lumisan na si Ambassador Antonio L. Cabangon-Chua, isa sa mga kinikilalang negosyante, philan-trophist, at publisher sa bansa.

Pero sa inyong lingkod, isa siyang mabuting kaibigan, tagapayo at parang tatay na rin, tuwing may pagkakataon na nagkikita at nakakadaupang-palad ng inyong lingkod.

Kumbaga, hindi ka makaririnig ng negatibong salita mula sa kanya. Lahat para sa kanya ay kaibi-gan.

‘Yun yata ang pinakamahirap gawin, ang ma-ging kaibigan sa maraming tao.

(Mayroon kasing mga tao na kahit itinuring nating kaibigan ‘e may iba palang layunin sa paki-kipagkaibigan. Anyway, hindi po kawalan sa atin ‘yan. C’est la vie).

Pero si Amba, ‘yan po ang tawag natin sa idol na si Antonio Cabangon-Chua, siya ‘yung kaibi-gan na hindi puwedeng itapon, hindi pa dahil sa yaman at impluwensiya na mayroon siya, kung hindi dahil mahirap nang makahanap ng  tatay-tatayan at kaibigan na kagaya niya.

Pero sabi nga, wala tayong magagawa kapag dumating ang panahon na ipinatawag na muli sa itaas.

Naniniwala naman tayo na handang-handa na si Amba sa mga pagkakataong ‘yan.

Naihanda na  niya ang lahat-lahat para sa kanyang sarili at sa kanyang mga naulila.

Anyway, kung nasaan man kayo, Amba, ha-ngad namin ang inyong mapayapang paglalakbay pabalik sa ating pinagmulan.

So long Amba, so long…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *