NAIMBITAHAN akong manood ng taping ng I Love OPM sa ABS-CBN!
Aliw na aliw akong panoorin at pakinggan ang mga banyagang kinakanta ang ating mga Tagalog song.
Observe-observe. Bow ako sa tatlong judges—Lani Misalucha, Toni Gonzaga and Martin Nievera sa mga komento nila sa contestants. May punto pa nga na maiiyak ka kapag may nagpapaalam na at hindi na makaaabot sa 4th gate.
As far as his Tagalog is concerned maayos na na naitatawid na ni Martin ang kanyang thoughts and ideas.
At one point, na-focus ang atensiyon ko nang mapansin kong parang masusuka si Toni. So i prodded ang katabi ko na si Joy Alonzo na bigyan niya ng discomfort bag ang masuka-suka na at namumutlang si Toni.
Ako na nga ang nagkomento na baka buntis na si Toni! Wala namang nag-deny nor confirm.
But the following day, item na rin ito sa news.
If they are still keeping it under wraps karapatan naman ‘yun ng magiging nanay. Magiging masaya na lang tayo na she’s experiencing na the wonders of motherhood.
Maiintindihan natin na ayaw nilang ma-preempt. Although sa Home Sweetie Home may eksena na siya na nagpu-puke!
Anyways, let’s hope and pray na matupad na ang pagiging Lola ni Mommy Pinty.
Toni had to leave the taping dahil hindi na nga nakaya ng powers nito ang hilo factor!
( PILAR MATEO )