KAAGAD inulan ng papuri ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu atXian Lim, ang The Story of Us na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Dolce Amore sa ABS-CBN.
Ayon sa balita, nagustuhan ng netizen ang kuwento at magagandang eksena sa bagong Kapamilya teleserye. Bukod kasi sa mabilis ang takbo ng istorya, napakaganda ng El Nido, Palawan na ipinakikita sa istorya. Damang-dama rin daw ang emosyon sa bawat eksena hatid ng iba pang bida rito na sina Aiko Melendez, Susan Africa, Gardo Versoza, at Zsa Zsa Padilla. Kahit ang mga batang nagsipagganap sa papel nina Macoy at Tin na sina Zaijian Jaranilla at Alyanna Angeles ay lumitaw ang husay sa acting.
Marami rin ang pumuri sa director ng serye na si Richard Somes dahil sa mahusay na pagkakalahad ng istorya.
At ang pinaka-nagmarka sa mga manonood ay ang sina Kim at Xian, na agaw-pansin ang kakaibang atake sa kani-kanilang dramatic roles na ibang-iba sa mga papel na nagampanan na nila noon.
Ayon nga kay Kim, walang Pinoy ang hindi makare-relate sa istorya ng The Story of Us, ”Walang kahit sinong hindi makare-relate rito sa kuwento. Kahit sino, alam mong napagdaanan nila ‘yun.”
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio