Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina, gumradweyt na!

00 SHOWBIZ ms mKITANG-KITA ang kasiyahan kay Korina Sanchez-Roxas nang natapos na kamamailan ng award winning broadcast journalist, host ng highly acclaimed at top-rating television show na Rated K, dating co-anchor ng TV Patrol, at chief news correspondent ng ABS-CBN ang kanyang kursong Master Of Arts in Journalism sa Ateneo de Manila University.

Dalawang taon halos pinagsabay ni Ate Koring ang trabaho niya sa ABS-CBN gayundin ang kanyang mga adbokasiya, pero nakuha pa rin niyang maisingit sa napaka-abalang schedule ang pag-aaral. Ang kanyang thesis ay isang artikulo ukol sa New Face of HIV/AIDS In The Philippines, na siyang gagawin niyang artikulo para sa isang broadsheet na malapit nang mailathala para sa publiko.

“Pinagtrabahuhan ko talaga ito. Hindi madali ang gumawa ng isang master’s project sa gitna ng isang national campaign. Masaya ako dahil nagbunga naman ang aking paghihirap at magandang grado ang nakuha ko,” sabi ng misis ni Mar Roxas.

Ang pag-aaral ni Korina ay kombinasyon ng dalawang bagay na napakahalaga sa kanya—ang kagustuhang maipag-ibayo ang kaalaman, at ang hangaring mag-ambag sa pagsugpo ng mga kaso ng HIV/AIDS sa bansa.

Naniniwala si Korina na walang katapusan ang edukasyon at patuloy siyang mag-aaral hangga’t kaya niya. ”Kakaibang level ng disiplina ang makukuha sa pormal na edukasyon. Magandang pagsasanay ito para mapagyaman ang kaalaman ng isang tao.”

Sa pamamagitan ng kanyang thesis, nagkaroon ng plataporma si Korina upang makausap at makasalamuha ang isang marginalized na sektor ng lipunan na apektado sa lumalalang epidemya ng HIV/AIDS, at isa na rito ang plataporma ng Keribeks National Gay Convention na ginanap noong nakaraang taon, na pinangunahan niya.

Ang pinakabagong achievement ni Korina ay maliwanag na testamento ng kanyang pagpupursige at tiyaga. Aminado siyang nahirapan talaga siya sa kanyang post-graduate studies, dahil siya mismo ang gumawa ng lahat ng trabaho, kumaha siya ng mga pagsusulit, pumasok siya sa klase, at sinunod niya ang mga deadline—lahat ng ito habang ginagawa ang kanyang trabaho araw-araw sa TV Patrol at kada Linggo sa Rated K.

Sa loob ng dalawang taon na kinuha ni Koring ang kanyang master’s degree, nagawa niya at ng kanyang team na manalo ng ilang mga award mula sa PMPC Star Awards For TV sa dalawang kategorya—Best Magazine Show—Rated K atBest Magazine Show Host. Pasok din ang Rated K sa New York Festival World’s Best TV & Films sa Biography/Profiles category nito para sa espesyal na ulat ni Korina sa kakaibang karamdaman ni Rochelle Pondare na tubong Bulacan. At kamakailan napabilang ang Rated K sa Top Ten Most Watched TV Shows, base sa national survey ng Kantar Media.

“Masaya ako at natapos ko na ang isang yugto ng aking buhay. At ngayong tapos na ang aking Master’s, excited na akong magsimula naman ng bagong proyekto.”

Wala talagang kapaguran si Koring at kahit ano ay maaari niyang gawin dahil hindi siya marunong sumuko lalo na kung para sa ikabubuti ng nakararami.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …