Tuesday , April 15 2025

Ang technocrat na kaya???

KAHIT huli na ay ibig ko pa rin magpugay sa mga katuwang natin sa pamumuhay, ang mga kababaihan.

Nitong nagdaang Martes ay ginunita ng mundo ang pandaidigang araw nila at dahil dito ay binabati ko kayo mga kababaihan – “Happy Women’s Day.”

* * *

Ayon sa katoto natin na si Abner Galino na isa sa mga writers ng Beyond Deadlines, habang tumitindi ang kampanya para sa halalang pampanguluhan ay mukhang lumalaki ang tsansa ni Mar Roxas na maupo sa Malacañang kahit mas marami ang hindi sampalataya sa kanya.

Dangan daw kasi ay solido ang suporta ng mga dilawan sa kandidatura ng dating DILG secretary at biyak-biyak naman ang para sa mga tulad ni VP Jejomar Binay, Senadora Grace Poe at Miriam Santiago at Mayor Digong Duterte.

Idinagdag niya na may malaking makinarya si Roxas dahil na rin sa tulong ng pangulo. Pero tiyak na matatalo si Roxas sa isang mano-mano na labanan, dagdag niya.

Sumangayon ako at nanghinayang dahil malabong mangyari na magiging isa’t isa ang labanan. Lumalabas sa usapan namin na tulad ni Fidel Ramos, mukhang isang super minority president na naman ang mauupo sa palasyo ng bayan.

* * *

Mula nang mag-umpisa ang karerang pampanguluhan ay hindi pa rin nagbabago ang aking tayo na walang ibobotong pangulo dahil sawang-sawa na ako sa paghahalal ng mga “lesser evil” o ‘yung mga tao na ang kategorya ay “pwede na ‘yan.”

Palagay ko dapat magkaroon tayo ng lider na sadyang mahusay at hindi ‘yung napagpilian lamang mula sa hanay ng mga walang kuwenta.

Dapat na natin itapon ang nakaugalian na “puwede na yan” o “ok na ‘yan” lalo na sa pagpili ng lider ng bayan.

* * *

Sabi ni Mayor Digong Duterte, ginagamit daw ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang pamahalaan para sa kandidatura ni Mar Roxas II. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QCPD kinilalang No. 1 sa kagalingan vs kriminalidad sa NCR 

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKAGANDA ng pasok ng Abril sa Quezon City Police District (QCPD). …

Dragon Lady Amor Virata

Ang political dynasty, bow
Magpinsan sa Las Piñas, hipag at bayaw sa Parañaque

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGULO, sabi ng mga Parañaqueños, hindi ang eleksiyon, kundi …

Firing Line Robert Roque

Indecent proposal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “…ANG mga solo parent na babae na nireregla pa, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *