SINABI ni Ahron Villena na masaya siya sa nangyayari sa kanyang career ngayon.
Kasali si Ahron sa We Will Survive ng ABS CBN na pinagbibidahan nina Pokwang at Melai Cantiveros. Gumaganap siya rito bilang bading na BF ni Melai.
Bago ito, naging part din si Ahron ng TV series na Pasion de Amor. Ayon sa guwaping na alaga ni Freddie Bautista, masaya siya sa takbo ng kanyang career ngayon at sa pag-aalaga sa kanya ng Kapamilya Network
Masaya ka naman ba sa mga project na ibinibigay sa iyo ng ABS CBN?
“Oo naman po, sabi ko nga sa tagal ko na sa industriya, I’ve in the business for twelve years na, kasi, nag-start ako ng TV Idol, that was 2004. And sabi ko, ‘Bibihira iyon.’ Kasi, iyong mga kasama ko, medyo wala na, may sarili na naman silang mga buhay at happy naman ako sa kanila.
“Ako everytime na ini-interview, sinabi ko na para akong alon, minsan ay malakas, minsan ay mahina, minsan ay wala. That’s life kasi kapag nasa showbiz ka, hindi ba?” Esplika ng actor.
Ano’ng inisip mo nang papel mo ay bading? First time ba o hindi naman na nagbading ka?
“First time po na ganyan, ay hindi po, sa Legal Wife po kasi nag-ganito na ako. Pero hindi naman siya parang out sa Legal Wife, parang paminta-paminta na lalaki pa rin. Tapos ditto, parang ito talaga, sabi ni Direk Jeffrey (Jeturian), malambot…
“So, minsan medyo di ko kasi alam kung paano timplahin, noong una, medyo kulang, tapos minsan sobra. So ngayon alam ko na, minsan sinasabi nila take-2, take-3, ulit, hanggang sa makapa natin kung hanggang saan lang yung level ng pagkabading niya.”
Enjoy ka naman bang makatrabaho si Melai?
“Ay oo naman. Wala kahit, Diyos ko! Kahit off camera, talagang napakasayang kasama ni Melai.”
Sinabi rin niyang okay na sa kanya ang ganito, basta may mga project lang. Gusto rin daw niyang maging character actor.
“Oo naman, oo naman. Sabi ko nga sa manager ko, sabi ko, ‘Bigyan mo naman ako ng ano, baka mayroon diyan. Kahit ano lang. Kasi, ‘di na naman ako bumabata,’ So sabi ko, kung anong dumating, kumbaga di na naman tayo nag-eexpect na maging bida, kasi marami kang kalaban diyan.
“Ako okay na ko and iyang may mga dumadating and I can say na masaya naman ako sa career ko ngayon.
“Gusto ko rin sana mabigyan ng mga kontrabida role, mas challenging din kasi iyon, e. Iyon kasi ang mga gusto ko e.
“Ang mga character actor kasi, laging in-demand, hindi nawawalan ng project. Aminin natin na kapag bida ka at hindi nag-click, minsan ay ang tagal ng follow-up, hindi ba? Kung bida ka at nag-click, suwerte mo, hindi ba?
“At least kapag charater actor ka, laging mayroong project.”
Pero game ka rin ba sa indie?
“Nakapag-indie na ako actually, ipinalabas lang last February, yung Singkuwento Film fest, yung Pisara ang entry naming doon ni Ritz Azul.”
Si John Lloyd Cruz naman daw ang aktor na iniidolo niya talaga.
“Ibang klase kasing umarte talaga si John Lloyd Cruz e, kumbaga, mata pa lang niya talagang nangungusap na. Kaya idol ko talaga siya at nang nakasama ko siya sa Second Chance, ang galling niya talaga, iba talaga si Lloydie.
“Pero kahit sikat siya, wala siyang ere, napakabait ni John Lloyd. Nakakasam ako siya sa gimikan, ang bait-bait niya.
“Hindi mo makikita na sikat na sikat talaga siya, napakabait niya at okay makisama sa lahat,” nakangiting saad pa ni Ahron.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio