Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Showbiz career’ ni Carrot Man, inilunsad sa Wowowin

LUMALABAS na sa programang Wowowin pormal na inilunsad kamakailan ang “showbiz career” ni Jeyrick Sigmaton, o higit na nakilala bilang Carrot Man sa social media.

Like a newly launched star ay isang grand welcome ang ibinigay kay Jeyrick na ikinatuwa naman ng studio audience. Credit goes to the girls—seated in front of the studio—na siyang nag-upload ng mga larawan ni Jeyrick habang inaani ang kaing-kaing na carrots sa Mt. Province.

Present din ang proud dad ng binata.

Saludo kami kay Willie Revillame sa pagbibigay ng pagkakataon kay Jeyrick na makitaan kahit paano ito ng talento—kung katanggap-tanggap ba si Carrot Man sa showbiz.

Looks-wise, malakas ang appeal ni Jeyrick. Lalo pa siyang gumuwapo sa kanyang dimples. His “rural innocence” ay isa pa niyang bentahe.

Sana lang ay huwag i-distort ng ibang tao ang dapat sana’y taglayin niyang values—at ‘yun ay ang pagbibigay kahalagahan sa edukasyon.

Hanggang Grade VI lang ang naabot ni Jeyrick, ang pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral ang mas mahalaga kaysa mag-artista.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …