Gud pm Hataw,
Nanaginip po ako nga ako umalis sa bahay na nakahanda na lahat ng mga damit ko pero hindi ako natuloy dahil nawala ang pera ko nga nakalagay sa wallet ko nga yellow. Ano po ba ibig sabihin ito? Salamat po. (09481524719)
To 09481524719,
Ang iyong panaginip hinggil sa pera ay nagpapahayag na maaaring ang tagumpay at kasaganahan ay abot-kamay mo na kung ipagpapatuloy ang pagsisikap at pagpupursige para sa iyong mga minimithi. Ang pera ay nagre-represent ng confidence, self-worth, success, o values at ikaw ay may tiwala sa sariling kakayahan o abilidad. Alternatively, ito ay maaari rin namang may kinalaman sa iyong pag-uugali o pananaw ukol sa love at matters of the heart.
Ang ukol naman pitaka sa iyong bungang-tulog ay simbolo ng iyong identity o kaya naman, ng financial security at financial stability. Maaring may kaugnayan din ito sa usapin sa pera at sa pangakalahatan, sa iyong estado ng pangkabuhayan na kailangan mong paghandaan at mag-focus nang todo.
Señor H.