Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miles, na-realize na kaya pala niyang mag-drama

MAY ilang hapon pang nalalabi para tutukan hanggang sa pagtatapos ang And I Love You So sa ABS-CBN.

Quest for truth at pakikipaglaban sa karapatan ang mananaig sa komprontasyon nina Michelle (Dimples Romana) at Katrina (Angel Aquino), kasama ang kanilang mga anak na sina Joanna (Miles Ocampo) at Trixie (Julia Barreto).

Sa finale presscon ng nasabing haponserye, mistulang mga miyembro ng Mutual Admiration Society ang dalawang teen actress with Inigo Pascual and Kenzo.

Bagamat magtatapos na nga ang AILYS, ang masayang working relationship daw ng mga bagets cast members is more meaningful dahil supportive sila sa isa’t isa in terms of attacking their respective roles.

Kasama rin sa ‘di malilimutang karanasan na ‘yon in the directorial hands of Onat Diaz at Jon Villarin ang kani-kanilang realization na lumevel up ang kanilang talent in acting.

Sey ni Julia, ”What I realize with my role is that kahit maldita ako, people need to put on a façade para lalo kang maintindihan ng tao.”

Says Miles, ”After ‘Goin’ Bulilit’ na nagpapatawa ako, pa-sweet, na-realize ko na I can also do serious acting.”

AILYS is Miles and Kenzo’s first regular teleserye, na masuwerte nilang nakatrabaho ang mga bigatin sa drama tulad nina Angel at Dimples.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …