Monday , December 9 2024

Jollibee franchisee sa NAIA Terminal 1 walang proteksiyon mula sa mother company!

ANG Jollibee sa NAIA Terminal 1 ay hindi lang basta restaurant o franchisee ng kompanya ni Tony Tan Caktiong.

Alaala ang katumbas ng Jollibee NAIA Terminal 1 sa mga overseas Filipino workers (OFW).

Wala pa ang ibang restaurant o fastfood sa NAIA Terminal 1, nandiyan na ang Jollibee.

In short, sila ang pioneer diyan sa NAIA T1.

Halos kaakibat sila ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pag-unlad at promosyon ng turismo sa bansa.

Kahit sinong OFW ang tanungin ninyo, diyan sa Jollibee NAIA Terminal 1, una nilang dinadala ang pamilya kapag dumarating sila mula sa ibang bansa.

Hindi kayang burahin ang matatamis na alaala ng mga OFW at airport employees sa Jollibee NAIA Terminal 1 branch.

Kaya naman nagtataka tayo kung bakit tila walang pakialam ang pamilya Tan Caktiong sa panghihimasok ng Central Manila Food Corp., na binigyan nila ng franchise para magbukas ng isa pang Jollibee sa T1 Departure Area, doon sa dating WOW Restaurant na pag-aari ng isang swapang at namamakyaw na concessionaire sa NAIA.

Tama ba ang ginagawa ng mga TAN CAKTIONG na mismong franchisee nila ay itinatambak nila sa iisang teritoryo?!

E di ang mangyayari sila-sila ang magiging magkakakompetensiya?!

Kung gusto nilang mapuno ng Jollibee ang NAIA ‘e ‘di doon nila ialok sa franchisee na naroroon.

Ibig bang sabihin, ‘yung Jollibee sa NAIA Terminal 2 at sa Terminal 3, ‘e pwedeng tapatan ng Jollibee rin ng ibang franchisee?!

Ibig bang sabihin, walang pakialam ang mga TAN CAKTIONG sa business protocol, basta’t nagpapasok ng kuwarta ang mga franchisee nila?!

Naging isyu na rati ‘yan, tumahimik at tumigil ang pagpapagawa ng restoran pero bigla na namang ‘nabuhay’ sa ilalim ng ibang kompanya o pangalan lang ang nag-iba?

Pero ang suspetsa ng iba pang concessionaire, iisa lang ang nagpapagawa niyan, noon at ngayon.

Dummy corporation lang ‘yata ni Simon Wong ‘yan at balitang isang airport official raw ang kasosyo riyan!?

‘E ano ba talaga, Mr. Tan Caktiong?!

Naghain ng DQ vs Sen. Grace Poe, nabutata!

ANO kaya ang itsura nina Sen. Kit Tatad, Antonio Contreras ng De La Salle University (DLSU), Atty. Star Elamparo at Dean Amado Valdez nang katigan ng Korte Suprema si Sen. Grace Poe?

Malamang para silang binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi sila nagtagumpay sa kanilang layunin na iligwak sa labanan ng mga presidentiable ang anak ni Inday at ni Panday.

Mas dapat sigurong manahimik na ang mga naghain ng disqualification case laban kay Sen. Grace dahil kahit anong gawin nila ay hindi pinapayagan ng panahon.

Sabi nga ng mga walang sawang sumusuporta kay Sen. Grace, iba talaga kapag iginuhit ng tadhana.

MMDA, MPD, Manila City Hall naka-tongpats sa reyna ng illegal terminal sa Lawton!?

Noong nasa kolehiyo pa ang inyong lingkod, ang Liwasang Bonifacio at Plaza Lawton ay isang sagradong lugar sa mga kagaya nating estudyante.

Para kasing freedom park sa amin ‘yan. Diyan namin inilalabas ang pagtutol namin sa mataas na tuition fee.

Bilang isang working student, masakit talaga ang mataas na tuition fee para sa amin.

Kaya kapag may mga rally ng pagtutol sa mataas na tuition fee, hindi puwedeng hindi kasama ang inyong lingkod.

Ganyan kasagrado ang Plaza Lawton at Liwasang Bonifacio para sa amin.

Pero ngayon, iba na ang tingin natin sa Lawton at sa Liwasang Bonifacio.

Kahit saan sumuling ngayon sa lugar na ‘yan, ang makikita ay ILLEGAL TERMINAL!

At sa totoo lang, isa ‘yan sa mga pinagmumulan ng pagkakabuhol-buhol ng trapiko sa P. Burgos Drive sa paanan ng Jones Bridge.

Maging ang mga kalsadang daanan ng sasakyan ay pinaradahan na kaya lalong sumikip ang daloy ng mga sasakyan.

At ‘yang traffic jam na ‘yan ay kapuna-puna dahil talagang nakapang-aabala ng mga motorista at pedestrian pero nakapagtataka na hindi inaayos ng mga awtoridad.

Ang tanong nga ‘e, bulag, pipi at bingi ba ang MMDA, MPD at Manila city hall sa traffic jam na nililikha ng illegal terminal na ‘yan na ang numero unong maintainer ay isang Reyna L, a.k.a. Burikak.

Kumbaga, sa hapag, ang Lawton at Liwasang Bonifacio ang  ‘plato’ ni Reyna L.

At dahil ang Lawton at LB ang ‘plato’ niya, hindi puwedeng agawin sa kanya. Puwede siyang mamigay ng mga ‘mumo’ na natatapon sa kanyang ‘plato’ pero hindi-hindi niya ipamimigay ang ‘plato’ mismo.

Sukdulang yakapin, kahit puno pa ng mantika at iba pang dumi at mismis, basta ang importante, hawak-hawak at yakap-yakap niya ang kanyang ‘plato.’

Puwede niyang ayusin ang mga taga-MMDA, MPD at Manila City Hall at ilang tabloid pero hinding-hindi niya puwedeng iwanan ang Lawton at Liwasang Bonifacio dahil ‘yan ang ipinansusuhol niya para manatili siyang Reyna sa Lawton.

Boom panot!

Kaya naman pala, ang lakas ng loob gumamit ng press ID ng nagpapanggap na kulamnista ‘este’ nagbabayad para maging kolumnista ‘kuno’…

Hakhakhak!       

Harassment ng isang Immigration Division Head!

MAY isang empleyado ang Bureau of Immigration (BI) na mahigit nang dalawang buwang reinstated pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatanggap ng suweldo o ano mang back pay o benepisyo na itinatakda ng Civil Service Commission.

Sa anong dahilan!?

Kasi raw ay isang nagpapabebe rin na chief-sep ‘este’ division chief ang ayaw pumirma sa isang dokumento para makasuweldo na ang kaawa-awang empleyado!

Wattapak!?

I don’t know kung aware si Immigration Comm. Ronaldo Geron sa nangyayaring ito na tila direktang harassment sa nasabing empleyado.

Alam kaya ng ogag na hepe na nakalagay sa CSC order na kailangan ipatupad (full implementation) within 10 days ang itinakda ng batas?!

Kung iresponsable sa kanyang tungkulin at responsibilidad ang nasabing ‘pabebe-chief’ hindi ba niya naiintindahan na hindi malayong ang tamaan ay si Comm. Geron kung aabot sa kaalaman ng CSC maging ng Ombudsman ang kanyang pinaggagagawa d’yan sa BI?!

Tama ba Mr. Junjun Gevero!?

Ano naman daw ang rason at patuloy na ini-ipit nitong nagpapaimportanteng hepe ang natu-rang empleyado?

Ang gusto pala ni ‘pabebe-chief’ iatras muna ng empleyado ang kanyang isinampang kaso laban sa kanya at sa dating commissioner ng BI na si Fred Mison?!

Aruy, at loyalista pala hanggang ngayon!

Truce raw kapalit ng pirma niya!

Exchange gift kumbaga!

How kapaaal mo namaaan talaga!

Ang kaso hindi naman puwede ang gusto ni-yang mangyari dahil ang empleyado naman ang makakasuhan ng perjury kung gagawin niya ang hinihinging kondisyones nitong si bugoy!

No choice kundi ituloy ang kaso kahit na magpitpitan pa sila ng yagbols!

Comm. Geron, baka hindi pa nakararating sa inyong kaalaman ang pangyayaring ito?

Once na makarating sa CSC at Ombudsman ang kaaliwaswasan ng ‘bugoy’ na hepe ‘e hindi malayong madamay o malatayan kayo.

Baka gusto ninyong ipatawag ‘yang pabebe-chief na ‘yan Commissioner?!

At kapag nakita ninyo, puwede po bang PAKI-KUTUSAN para sa mga empleyadong inaagrab-yado niya?!

‘Yun lang po and thank you!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *