Matapos ang dalawang taon na pag-aaral sa Manila ay masayang umuwi ang anak sa kanilang probinsiya.
Anak – Itay, sa wakas natapos na rin ako sa pag-aaral.
Itay – Magaling anak! Ano bang tinapos mo?
Anak – AB, Itay.
Itay – AB lang inabutan ka nang dalawang taon? Ako, isang taon lang, tapos ko ang ABC hanggang XYZ!
Mana sa Ama
Tatay – Musta exams n’yo sa eskuwela, mga anak?
Anak – Mabuti po. Nakakuha kami ni Dina ng 100%.
Tatay – Magaling! Nagmana kayo sa talino ko.
Anak – 60% po ‘yung sa akin at 40% ‘yung kay Kuya. (Ngeek!)